Chapter 2-New School

2 2 0
                                    

Pilit kong binubuka ang aking mata dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha,medyo mahapdi na ito kaya masasabing tanghali na nga talaga.Bumangon ako at nag tungo sa banyo para maligo,walang pasok ngayon dahil sabado kaya hindi ako masyadong abala.Pag katapos kong maligo ay agad akong nag bihis,penares ko angblack t-shirt sa black pants at kinuha ko yung white shoes at white cap na hinanda ko sa lamesa,nag lagay ako ng kaunting pulbos at lip balm at hinayaan kong nakalugay ang aking buhok na abot hangang beywang,Sinuot ko rin ang black jacket ko at dalidali akong bumaba.Naglakad ako papuntang kainan para mag almusal wala kasi akong ganang magluto kaya bibili nalang ako,habang naglalakad,may nakita akong isang anino na nakatanaw di kalayuan at alam kong saakin sya naka tingin,umiwas siya ng tingin at binaling ang atensyon sa pag bili ng softdrinks.May kutob akong ako talaga ang pakay niya kaya't nag madali akong umalis sa lugar kung saan nanduon siya,pakalagpas ko ng ilang bahay ay muntik ko ng mabitawan ang dala-dala kung kape dahil sa taong naka bangga saakin.At siya yun yung taong nakatingin rin kanina saakin nalakad may naka bangga na namn akong lalaki,tinulungan niya akong pulutin lahat ng pinamili ko,pag ka tayo namin ay agad ko syang tiningnan sa mata at napansin kong dilaw yung mata niya,hindi ko lang alam kong saan ko huling nakita yung simbolo nayun para kasing familiar eh..diko lang makita yung mukha niya dahil natatakpan ito ng kaniyang mask.

"Teka-."hindi ko na natuloy yung sbin ko dahil agad siyang tumalikod.Di ko alam pero may kakaiba sa kaniya,hindi ko lang masabi kung ano.

Naglakad nalang ako pauwi,pagkarating ko sa bahay ay agad akong humilata sa sopa at pumikit ng kunti,teka bat parang may ilaw akong naaaninag sa loob,unti-unti kong ibinuka ang aking mata at naaninag kong ito'y nanggagaling sa loob ng bag ko,agad kong kinuha ang bag at laking gulat ko ng makita ko ang isang sobre na kumikinang na parang ginto agad ko itong binuksan at binasa ko ang naksulat....
"Welcome to Shine Academy the school that perfectly made for every Bizzare!"Shine Academy,tila pamilyar ang akademyang iyun pero bakit naman to nandito,hindi kunaman matandaan na nag enroll ako sa ibang school.Laking gulat ko ng biglang lumiwanag ng nakakasilaw ang sobre at naging isa itong pintuan.Isang napa ka liwanag na pintuan at may naka ukit itong hugis araw na may mata sa gitna,nung una ay nag dalawang isip akong pumasok ngunit ng dahil sa kagustuhan kong makita ang na sa likod nito ay dahan dahan akong pumasok....

***
Nandito ako ngayun sa isang masukal na kagubatan,isang kagubatan na pinamamahayan ng nag lalakihang puno mga bulak lak at iba pa.diko alam pero parang pamilyar sa akin ang lugar na to,teka tama,ito yung lugar na nakita ko sa paniginip ko at hindi ako pweding mag kamali ito nga iyon..agad akong naglakad patungo sa isang daan at dun korin nakita ang magandang tulay na kaparehas ng tulay na nakita ko sa paniginip ko.Pilit kong inalala ang daan kung saan dati koring dinaanan kasama yung matandang nakasama ko na dati.halos ilang oras din akong nag lakad at kalaunan ay na tunton ko narin ang eskwelahang minsan ko ng nakita,gaya ng sa paniginip ko wala paring pinag ka iba,nakakamangha parin ang taglay nitong ganda,pag karating ko sa tapat ng malaking pintuan ay agad itong bumakas at laking gulat ko ng makita ko ang kabuuang sukat ng eskwelahan,sobrang lawak nito,pinagsamang puti at dilaw ang kulay ng bawat sulok,mababakas din sa itsura nito na walang kahit anong bahid ng dumi,napalilibutan din ng magagandang bulaklak ang bawat daan at masayang nag sisipag daan ang bawat estudyante,kulay puti ang kanilang pang taas na uniporme samantalang kulay dilaw naman ang kanilang palda at kurbata,kung titingnang mabuti ay para silang mga diwatang nag lalakad sa isang harden at masayang nag tatawanan.Agad akong napahinto sa pag kamangha ng may biglang lumapit sa akin,isang napakagandang babae na nasa mga 30's na ata,nakasuot siya ng isang puting bistida na napaplibutan ng maliliit at kumikinang na bulaklak.

"Anong pangalan mo iha?nakangiti niyang tanong

"Cally po."mahina kong sagot

Shine Academy:The School for BizzareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon