My Dear 5

1 0 0
                                    

I Miss You.... I Miss You....I Miss You....

Paulit ulit na naririnig ko sa tenga ko.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto, hawak ko pa din yung cellphone ko at di na rin namalayan na umaga na dahil pumapasok na din yung sikat ng araw sa bintana.

tiningnan ko yung cellphone ko, 6:30 am na pala hindi pa ako natutulog. bakit ba kasi sa simpleng salita affected nako.

" I miss you" matapos niyang sabihin sakin yan bigla niyang pinatay yung call. siguro nag drunk call lang siya at na wrong call sakin?

"Wahhhh" malakas na sabi ko habang ginugulo ko yung buhok ko.

"himala at maaga ka yatang nagising" sabi ng mommy ko ng sumilip sa kwarto ko.

"ang laki ng eyebags mo kakapuyat" sabi pa niya bago umalis.

"Thank Oppa it's sunday!" nasabi ko nalang sa sarili ko dahil buti nalang at linggo, kung nagkataon haggard na naman akong papasok sa school. nakakahiya.

bumaba na ako at naabutan kong naghahain si mommy ng breakfast, ngayon nalang ulit ako makakapag-almusal ng weekends.

"Mi magprito ka tuyo" sabi ko kay mommy habang naka pout.

"ang daming ulam dyan, tocino at itlog tapos magpapaluto ka ng tuyo. ikaw ang magluto kung gusto mo ng tuyo" sabi niya.

kainish naman si mommy oh. ngayon na nga lang ulit ako nag crave sa tuyo e.

after namin kumain, bumalik na ulit ako sa kwarto ko at binuksan ko yung laptop kailangan kong tapusin yung Chapter 5 ngayon dahil maraming pumapasok na idea sa utak ko at kailangan ng isulat.

pero..

bumalik na naman sa isip ko yung salitang 'I Miss You'.

"akala ko ba inspiration kita Jake, pero bakit parang distraction ka" yan na naman kinakausap ko na naman yung sarili ko.

***Ring Ring***

tumatawag si mommy? nasa baba lang naman siya ah.

"Jane! bumaba ka dito, nandito yung ninang Angel mo" sabi ni mommy tapos binaba na niya yung call.

Nandito na pala si ninang Angel, bestfriend ni mommy since highschool pumunta siya ng England 7 years ago at nagpatayo ng bahay sa katabi namin. next week lilipat na sila kaya siguro excited sila dahil ang magbestfriend magiging neighbors din.

"Hi po ninang" at nakipagbeso ako.

"Aba! dalaga na pala yung anak mo Jocel" sabi ni ninang Angel kay mommy.

"Oo naman! maganda nga kaso tamad at nagpupuyat palagi" sabi naman ni mommy.

ano ba naman tong si mommy di man lang puro maganda ang dinescribe para sakin.

"Okay lang yan, ganyan talaga mga kabataan ngayon. ganyan din si Tope" sabi ni ninang.

"Ay. kamusta na pala yung batang yun? di man lang nagpapakita samin. huli kong kita dun bata pa" sabi ni mommy.

Oo nga no? parang di ko na siya matandaan. isang beses ko lang siya nakita pero saglit lang.

"Busy sa mga kaibigan, kinakabahan na nga ako at wala pang dinadalang babae sa bahay" sabi pa ni ninang.

"Hayaan mo na, bata pa naman yung anak mo. baka nahihiya ipakilala sayo yung girlfriend niya" sabi pa ni mommy.

"Jane! tingnan mo to, pasalubong ko sayo" sabi ni ninang tapos pinakita niya sakin yung Bag, sapatos tapos may mga pabango pa.

MY DEAR DIARYWhere stories live. Discover now