My Dear 3

4 1 0
                                    

"Are you stalking me?" sabi niya sakin, nagulat ako sa kanya at hindi ko alam ang sasabihin ko.

totoo naman na sinusundan ko siya, pero hindi naman ako stalker gaya ng iniisip niya.

"Torres!" tawag sakin ni..

Lloyd? bat nandito siya sa university namin?

"Lloyd?" tanong ko sa kanya.

"bakit nandito ka sa kotse ko? are you waiting for me?" tanong siya sakin.

tingnan mo nga naman, just like sa stories na isinusulat ko may mga dumadating na Anghel sa bida.

"oo, kanina pa kita hinihintay" sabi ko kay Lloyd sabay tingin kay Jake.

Si Jake naman napailing nalang at umalis na, sumakay na din siya sa kotse niya at umalis.

peww! thank goodness.

"Bat ka nga pala nandito?" tanong ko kay Lloyd.

Classmate ko si Lloyd nung highschool at hindi kami masyadong close, pero nakakasama ko siya sa kalokohan.

"inayos ko yung requirements ko, kakalipat ko lang dito" sabi niya.

"ganun ba? sige thank you for saving me today uuwi na ako" sabi ko naman sa kanya.

"hatid na kita?" tanong niya.

"okay lang, mas gusto kong mag-commute" sabi ko naman sa kanya.

"sige. see you next week" sabi naman niya.

"baboosh" sabi ko.

9.2.2020

Dear Diary,

Nakita ko si Jake ngayon practice, ang galing niya pala sumayaw marami na din akong nalaman tungkol sa kanya. pero ngayon ko lang nalaman na parang may tinatago siyang lungkot, nakikita ko sa mga mata niya. kailangan ko yun malaman. muntik na din pala niya akong mahuli kanina, buti nalang dumating si Llyod grabe talaga ang kaba ko kanina.

Love Jane.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kakatapos ko lang magsulat ng bago kong story. kwento to ng isang babaeng may gusto sa campus crush, alam kong cliche at madami ng story na katulad nito, pero nagiisip ako ng kakaiba sa story ko. parang gusto kong gawin base on real life story ni Jake. may Draft na ako, pero hindi ko pa matapos ang Chapter 1.

"Beh, sorry now lang ako nagreply" chat ko kay Joana.

"♥" yan lang reply niya.

..typing...

"nakita ka namin kanina ni Anj" sabi pa niya.

..typing..

"sino yung kasama mo? kaya pala nauna ka sa samin" sabi pa niya.

"baliw, si Llyod yun, classmate ko nung highschool" reply ko sa kanya.

"okay sabi mo e. hihihi" reply niya.

mga loko-loko talaga mga kaibigan ko.buti nalang yung role nila sa story ko loko-loko din. hahaha!

nag search ako sa IG if merong account si Jake, pero parang mukhang poser lang niya. sabagay yung mga ganun type ng lalaki, hindi mahilig sa social media.

nakakainis naman tong si Jake, masyadong private. ang hirap i-stalk.

wala akong magawa, makapag tik-tok na nga lang, inayos ko muna yung sarili ko tapos sumayaw na parang loko-loko.. then post.

MY DEAR DIARYWhere stories live. Discover now