My Dear 4

3 1 0
                                    

Dear Diary,

Minsan pala talaga yung inaakala nating Angel ay isa palang demon, especially yung may mga pangalang Jake..di naman lahat ng Jake pero naiinis ako today dahil trip niya akong bwisitin ngayon. lalo na yung yung tropa niyang mukang mabaho, dahil dun gagawin ko siyang character sa isinusulat kong story. siya yung utusan ng bidang babae tapos magkakagusto siya dun sa kaibigan at mabo-broken hearted siya ng bongga, mawawala sa sarili at magpapalaboy laboy nalang sa kalye. hihihi.

Love Jane


Nagsulat nalang muna ako sa Diary ko dahil wala akong maisulat na story ngayon. kanina pa ko nakatingin sa laptop ko at pinagiisipan kung paano maging kontrabida si Jake.

Friday nga pala ngayon, pwede akong magpuyat at makatapos ng ilang chapter kaso wala talaga akong maisip. kanina pa ako type na type pero agad ko din binubura dahil parang ang boring ng flow.

oo nga pala magti-tiktok ako ngayon. nagayos ulit ako sa sarili ko at sinayaw yung practice ko kagabi and then i post it. binuksan ko din yung netflix ko dahil ngayon din pala yung new episode ng pinapanuod kong k-drama.

nag-check ako sandali ng phone para tingnan if may naglike na sa post ko, marami ang naglike at may isang shared pero walang like ni Jake. inisip ko na naman siya e siya nga binubully ako.


****Ring...ring ...ring****

Nagising ako sa tunong ng phone ko. it's already 2:30 pm kaya pala ang init na dito sa kwarto ko, chineck ko kung sino yung tumatawag pero unregistered number.

"Low" sabi ko pero medyo husky pa boses ko.

"Hi Jane, busy ka?" si Llyod?

"o Lloyd napatawag ka? pano mo nalaman number ko?" sabi ko.

"secret.."si Lloyd.

"tch. aga-aga istorbo, kakagising ko lang e" sabi ko.

"it's almost 3:00 pero kakagising mo lang?" Llyod.

"kakasabi ko lang diba?" sabi ko sa kanya. isa pa tong si Llyod, kakagising ko lang pero umiinit na agad yung dugo ko.

"chill! tara! I'll pick you up! samahan mo ako sa mall" si Lloyd.

"ikaw nalang, katamad" sabi ko sa kanya, nakakatamad naman talaga e.

"please!! treat kita anything you want" pagmamaka-awa niya.

"Arat na!"sabi ko.


Mabilis naman talaga akong kausap e. agad akong naligo at nagayos sa sarili ko, maya-maya din ay dumating na si Lloyd.

"bakit ba ako pa yung sinama mo?" sabi ko sa kanya.

"ikaw una kong naisip kanina e" sabi pa niya.

Naglakad lakad lang kami sa may sports store, tumingin siya ng mga sapatos tapos ako naman tumingin din ako ng shirt. medyo nakakapagod din dahil halos lahat pinuntahan namin parang daig pa niya ang babae kung mag shopping.

"pwede bang magbreak muna tayo?"hinihingal na sabi ko.

"di pa nga nagiging tayo, break agad?" sabi naman ni Lloyd.

"baliw ka talaga"sabi ko.

"ano bang gusto mong kainin?"Lloyd.

"milktea muna tayo saka fries sa potato corner, libre mo huh"sabi ko.

MY DEAR DIARYWhere stories live. Discover now