Synopsis

863 45 9
                                    


SYNOPSIS

Si Mew Supassit ay isang certified badboy. Buong buhay niya wala na siyang ginawang tama. Hobby nito ang makipag-suntukan. Tubig nito ang alak. Mahilig sa bisyo. Bulakbol. At higit sa lahat, naging sport na para sa kaniya ang paglaruan ng damdamin sa kung sinuman ang nabibiktima niya. Hindi rin siya naniniwala sa totoong pag-ibig dahil iyon ang nakamulatan niya. Bata palang siya nung iwan siya ng kaniyang ina. Nakipag-hiwalay ito sa kaniyang ama dahil may iba itong pamilya. Dinibdib ng kaniyang ama hanggang sa nagkasakit ito at namatay.

Lumaki siyang walang magulang. Walang sumusuporta sa kaniya. Dahil sa madilim niyang nakaraan nawala sa landas ang kaniyang buhay at pinili niyang gawing gago ang sarili niya. Nabuhay siyang puno ng galit. Paghihinagpis. Napuno ng kasakiman ang kaniyang puso na walang sinuman ang makakagpabago.

Ngunit, dumating si Gulf Kanawut sa buhay niya. Ang lalaking magpapabago sa pananaw niya sa buhay. Ito lang ang tanging naglakas-loob patulan ang kagaguhan niya. Walang sinuman ang nakakagawa no'n maliban dito. Kaya nagpasya siyang paglaruan ang buhay nito. Si Gulf ang bago niyang biktima. Ang bago niyang laruan.

Pero bakit habang tumatagal parang siya itong pinaglalaruan? Siya ang naging biktima? Noong una ang akala niya'y isang kahibangan lang ang lahat pero natuklasan nalang niya sa sarili na nahuhulog ang loob niya rito.

Si Gulf ba ang makapag-babago sa buhay niya? O, ito mismo ang magiging dahilan para tuluyang masira ang buhay niya?

A STORY THAT FULL OF SECRET, LIES AND BETRAYALS.

AT ISA LANG ANG TOTOO, ANG KATOTOHANANG WALANG SIKRETONG HINDI NABUBUNYAG!

----

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

WARNING: This book contains sexual content with boy to boy actions, yaoi or bromance. Might also contains depictions of violence, sexuality, strong languages and matured contents.

R-18|Reader's discretion is strongly advised.


Aasahan niyo rin po na makakasalubong kayo ng mga grammatical errors, wrong typos and such. Be considerate. Char.

Comment and vote. Malaking tulong po'yan sa pag-angat ng ating ekonomiya. Haha. Nawa'y masuportahan niyo ang kwentong ito at mamahalin ng buo sina Mew at Gulf.

Lablabyu.

The Badboy's Match | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon