Kabanata 3

339 41 26
                                    

FIGHT BACK

NAGING PAYAPA ang pakiramdam ko sa sumunod na subject ko. Doon ko kasi nalaman na hindi ko pala kaklase iyong tatlong hunghang na iyon. Sariwa pa sa isipan ko ang ginawa nilang kabulastugan saakin. Lalo na't ang tingin sa akin ng iba ay bakla at parausan, na tiyak kong hindi maganda ang impression ng karamihan sa akin.

Hindi korin naging kaklase si Win kaso ayos lang. Naging maayos naman ang lagay ko dahil walang gulo. Kung puwede lang sana ay ganito nalang palagi. Mas nanaisin kopa ang tahimik na buhay kesa masikmura ang ugali ng Kurimaw na iyon kasama 'yong dalawang hunghang na kasama niya.

Matapos ang klase namin, paglabas ko ay nakita ko si Win na nakasandal sa pader. Nang makita niya ako ay naglakad siya sa lugar ko.

"Sabay na tayong mag-lunch."

Dahil wala akong kasama, um-oo ako. "Win, may alam kabang ibang cafeteria dito?" Tanong ko nang bigla kong maalala 'yong nangyari sa akin kanina. Panigurado, kapag nakita ako ro'n ay tutuksuhin na naman ako. Hangga't maaari ay iiwas muna ako sa gulo.

"Hm. Meron. Kaso sa kabilang building pa." Bigla siyang tumingin sa'kin. "Ba't mo naitanong?"

"Doon nalang kaya tayo kumain." Sabi ko pero sa hallway parin ang tingin ko.

"P'wede rin naman. But to remind you, do'n din kasi ang kainan nila Mew." Aniya, napabuntong hininga tuloy ako. Ano nalang ang mangyayari? Baka magawa na naman akong pag-tripan nun.

"Wala nabang ibang kainan dito?"

"Meron. Kaso, sa kabilang department na 'yon. Malayo. Baka ma-late pa tayo 'pag do'n tayo kumain." Tumigil siya sa paglakad at diretso sa akin ang tingin niya. "Teka? Ba't ka pala inaaway ng gagong 'yon? Nag-meet naba kayo dati? Kasi, hindi ka naman ibu-bully nun kung wala kang nagawang mali na hindi niya nagustuhan."

Napaisip ako sa sinabi ni Win. Kung rason man nito ay dahil sa ginawa kong pagsumbat at pagpatol sa ginawa niya, napaka-lame naman isipin kung seseryosohin niya pa ang bagay na iyon. Napaka-childish.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Win, "Well I guess, meron nga."

"Hindi ko naman alam na napaka-nothorious badboy pala ng Kurimaw na iyon." Giit ko.

"What? You called him, Kurimaw? Putcha, I can't believe you!" Sabi niya sabay hagalpak ng tawa. "Oh, shit! I can't stop laughing! Pfft- HAHAHAHAHA!"

Siningkitan ko siya ng tingin. Doon ay natigil siya sa kakatawa. "Sorry. Diko kasi mapigilan, e. HOOH!" Bumuga siya ng malalim na hininga para pigilan ang sariling tumawa. "Grabe ka, 'tol. Isa kang alamat." Iiling na aniya na ngayo'y na-regain na niya ang sarili. "Teka? Ano nga pala ang Kurimaw?" Kunot noong tanong niya.

Napamaang ako. Ewan ko kung matatawa nga rin ba ako o maaasar. Kung maka-tawa kasi akala mo alam, eh. Iyon pala hindi.

"Ewan ko sayo." Ani ko at naglakad na. Hinabol naman niya ako. "Bilisan na natin, baka marami na ang nakapila."

Nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Win ang kamay ko. Mas nauna siyang naglakad sakin habang ako ay mabigat ang mga paa kong sumasabay sa kaniya at nakatitig parin sa kamay niya.

The Badboy's Match | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon