Kabanata 5

542 53 55
                                    

Kabanata 5: SAVIOUR

Pagmulat ko sa aking mata ay puting kisame ang tumambad sa akin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. May mga puting higaan. Nasaan ako? Namalayan kong nakahiga ako isa sa mga puting higaan. Hindi ako p'wedeng magkamali. Nasa infirmary ako ng iskul.

"Gising kana pala." Tinig ng lalaking lumapit sa akin. Nang magtaas ako ng tingin ay halos mapanganga ako sa sobrang ka-gwapuhan niya. Bilogan ang kanyang mukha at masasabi kong maganda rin ang mga mata niya.

Tango at pagkurap lamang ang aking nasagot. Sariwa pa ang sugat na natamo sa labi ko kung kayat nahihirapan akong magsalita.

"Konting pasa lang ang natamo ng mukha mo kaya maagapan pa 'yan. Bibigyan nalang kita ng gamot mamaya para sa mga pasa mo. You really have that clear skin kaya dapat alagaan mo'yan sayang pa naman." Magaan ang tono ng boses niya. Lalaking lalaki pero malumanay.

"Hm." Tinig ko sabay tango.

"Napahiran kona 'yong mga pasa sa mukha mo, ang hindi kolang nagawa ay sa bandang bahagi ng iyong tiyan." Ang malumanay niya paring sabi. "Maaari kabang maghubad?"

Napalunok ako sa sinabi niya sa hindi mawaring dahilan. Pero hinihintay niya ako. Wala naman sigurong malisya dahil pareho kami ng kasarian. Dahil nahirapan ako sa paghubad ng polo ko ay tinulungan niya ako.

Ngunit hindi nakailag sa mata ko ang paglunok nung nurse ng tumambad sa harapan niya ang kalahating hubad kong katawan. Marahil ay dahil sa mga pasang natamo nun. Namumula kasi ang mga iyon dahil sa kaputian kong kulay.

"I like your belly," biglang wika nung nurse na ikinalunok kong muli. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay pumupungay na ang kanyang mga mata.

Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko. Nakakahiya. Madalas kapag nakakatanggap ako ng puri sa iba lalo na sa mga taong hindi ko kilala ay tinatamaan ako ng hiya.

Napangisi naman 'yong nurse. Nagpakita ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin at lumitaw din ang malalim niyang dimples sa pisngi. Kung susuriin mo ito ay mukhang bata pa, iisipin mong hindi magkalayo sa edad namin. May hitsura rin siya, tipong hindi tipikal na guwapo lang.

Yumuko siya at bahagyang tinitigan niya ang aking tiyan. "Hindi naman pala malala 'tong pasa sa tiyan mo." Nang idikit niya ang bulak sa tiyan ko ay napaigtad ako.

"Aray!" Halos mapasinghap ako dahil sa hapdi nun. "Dahan dahan naman." Hindi ko mapigilang isigaw.

"Pasensya na. Ipikit molang ang mga mata mo at tiisin ang hapdi. Masakit lang 'to sa una."

Sinunod ko ang ginawa niya. Kahit mahapdi ay tiniis ko. Hanggang sa matapos na ang nurse ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Isinuot korin naman agad ang polo ko. Kaya lang, bago ko maisuot ay napansin ko ang pagtitig ng nurse sa likod ko.

"Anong nangyari sa likod mo?" Gulat niyang tanong sa akin.

Nanlaki ang mata ko at kinabahan ako sa nakita niya. "W-Wala 'to,birth marks lang 'to." Gusto kong murahin ang sarili ko sa mga sandaling ito. Walang dapat makakita nun maliban sa'kin. Kung bakit pa kasi ako naghubad.

The Badboy's Match | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon