Prologue

40 2 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan, sinasabayan ng malamig ngunit banayad na ihip ng hangin. May bugso bugsong dagundong ng kulog at kidlat ..

"Yumi, matulog ka na Alas 10 na nag seselpon ka na naman" pag tawag ng aking ina sa may pinto ng aking kwarto sabay pag switch off ng ilaw..

Pinipilit ko naman matulog pero di talaga ako dinadalaw ng antok kahit pa malamig  ang gabi. Pinatay ko ang screen ng aking telepono at pinatong sa katabing lameseta ng aking kama, umayos ako ng higa, katapat ko ang kisame pumikit at hinayaang marelax ang aking isipan at buong katawan.. at ilang minuto pa'y tuluyan na akong nakaidlip

Nagising ako, may naririnig akong halakhak, di ko kilalang boses..., na alimpungatan ata ako? ngunit bakit ganito? teka.. di ko maigalaw ang buong katawan ko, ano yung madilim na gumagalaw palapit sakin? teka bakit nakikita ko ang kisame kahit nakapikit ako? bakit di ko mabuka ang labi ko? tulong! MAMA ! MAMA!

(mumunting impit na ungol ang tanging naririnig habang siyay pilit na nakikipag laban sa kung anong gumagambala sa kanyang pag tulog. Sa lakas pa rin ng ulan di rin sya marinig ng kanyang ina na nasa kabilang kwarto lamang)

Lumuluha ang aking mga mata, lumalakas ang tibok ng aking puso, habang patuloy ang pag lapit sa akin ng mala aninong di mawari pagkat noon ko lamang nakita..
"Diyos ko! patawarin nyo po ako sa aking mga kasalanan, tulungan niyo po ako."
ang aking sambit na panalangin

maya maya'y unti unti ko nang namulat ang aking mga  mata "mmma mmma mmmmaaa" pilit na bigkas na aking inuusal tinatawag ang aking ina. ang kakatwang bagay na nakita ko kanina ay naglaho na, sa wakas ay naigalaw ko rin ang aking paa at mga kamay agad akong bumangon napaupo sa kamang tulala at takot na takot. umiyak ako. pero mahina lang ayokong maistorbo ang pagod kong ina

binuksan ko ang screen ng aking telepono "3:15am" unang nakita ko dito.. sinilip ko saglit si mama, humihilik at mahimbing ang tulog.

napagpasyahan kong matulog ulit, naisip ko baka bangungot lamang iyon binuksan ko na lamang ang ilaw, humiga, humarap ulit sa kisame at pumikit..

🌜🌛

ᜉᜇᜌᜓᜈ᜔ᜉᜇᜋ

Ang pagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon