Unang kabanata : Part 1 Ang Pag-ibig at takot

15 1 5
                                    

Ako'y nahimlay at pagdaka'y napasok sa isang lagusan patungo sa kawalan
isang paraiso ang ginuhit ng aking isipan
lugar na kahit kelan di mapapantayan ninuman
pinatigil ko ang ulan, isinako ang hangin
sinakyan ang mga leon
at patuloy na naglakbay sa nag aapoy na nyebe
tinuwid ko ang mga bundok
at lumipad sa alapaap
nagpadulas ako sa bahaghari
at kinalabit ang buwan at mga bitwin
kinain ang masasarap na pagkaing labis kong inaasam asam

naglalakad ako sa tubig
ng aking masilayan ang kagandahan ng isang nilalang
gustong gusto ko syang lapitan at mahawakan
gusto kong ipagtapat sa kanya ang aking.. aking pagtinging matagal ng kinikimkim
ngunit ng ako'y nasa likod niya at akmang tatawagin sya
tumonog ang orasan
umaga na pala..

(at tumango ako upang mag bow)

"salamat ginoong Delgado sa iyong ibinahaging malayang tula, palakpakan nyo naman" sambit ng aking guro sa Subject na Pilipino
(nagpalakpakan at naghiyawan ang aking mga kaklase) "ginoong Delgado, mukhang may pinaghuhugutan ang iyong tula? ano nga palang pamagat nito?" tanong niya
"ahm, Panaginip po mam" sagot ko. "Bweno, siya muna ang huling magbabahagi ng malayang tula ngayong araw, humanda para bukas ang mga di pa natawag" sabi ng aking guro at tumunog ang bell hudyat na uwian na.

Habang ako'y papalabas ng gate nakita ko si Yumi sa may tricycle na nakaparada sa labas ng aming paaralan parang balisa. Nilapitan ko siya "Yumi!" tawag ko. At dahandahang humarap saakin ang napakagandang mala anghel na mukha bilog na mga mata, mahabang buhok at makinis na puting kutis ng balat. "ikaw pala, Clark musta ang klase?" bati niya "ah, ok naaaman, maaabuti" nauutal na sagot ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit. "Ahh, Oo naman.." sagot ko. "Sige clark, bukas na lang pala, magluluto pa ako gagabihin daw ng uwi si inay" ika ni Yumi sabay kaway ng mga kamay at sakay sa motor ng tricycle sa gawing likod ng driver. Wala akong nasabi, na tuliro at napakaway na lang habang pinag mamasdan siya papalayo. "kung alam mo lang kung gano kita kamahal" Ang sambit sa aking isipan.

Naglalakad ako pauwi balisa at malayo ang tingin, di ko alam. Minsan lang ako magkagusto sa isang anghel ngunit di ko maipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman. Natatakot, baka pag sinabi ko sa kanya di niya matangap.
Kababata ko si Yumi, bestfriend ko at kinakapatid ko pagkat Ninang ko si Aleng Miya ang kanyang ina. Natatakot ako baka pag sinabi ko magbago na ang tingin niya sakin. Ayokong magbago ang lahat dahil lamang sa aking kapangahasan.
Napadaan ako sa Mini Park sa aming lugar at napagpasyahang umupo sa upuang kahoy at mag libang sa mga naglalarong bata, at sa kabilang dako may dalawang magkapareha ang matamis na nag haharutan. Inggit at inis ang aking naramdaman sa sitwasyon na yun. Naalala kong muli si Yumi noong nakaraang araw ay mapunta din kami dito, parehong eksena. "Mabuti pang umuwi at matulog" sambit sa aking isipan, "Sa pagtulog ko nawa'y makasama kita, maalayan ka ng pagsintang walang kapantay".

Nakauwi na ako sa bahay, at naabutan ko si inay na naghahanda ng pagkain para sa aming hapunan. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na magbibihis.... at natapos ang aming hapunan, sa aking kwarto, patuloy akong di mapalagay, Mahal ko siya, ngunit ... daming gumugulo sa aking isipan nawalan ako ng gana gawin ang aming takdang aralin, humiga na lang ako sa kama at natulog.

Luntiang palayan, at sa dakong hilaga isang napakagandang bundok ang aking napagmasdan, at isang sapa sa gawing kanan na nagsisilbing irigasyon sa mga pananim. Tinungo ko ang sapa, di ako nagkamali ng hinala, naroon siya, ang aking mahal. Natanaw niya ako at siya'y napangiti, sa isang iglap para akong matutunaw sa tagpong iyon. Nilapitan ko ang aking magandang binibini kinuha ang kanyang kamay at hinalikan ito na may purong pagmamahal. Napangiti ulit sya at inaya ako sa tabi ng sapa ngunit hinatak ko siya palapit saakin at niyakap ng mahigpit "Sana totoo ang lahat" ang tangi kong sambit, nang muli kaming magkaharap hinawakan ko ang maganda niyang mukha at ako'y napaluha.

Gumising akong tulala, di ko maintindihan ang aking nararamdaman. Pag-ibig na ng kaya? ngunit malungkot at takot akong isakripisyo ang aming pagkakaibigan.
Alas dyes ng gabi habang ginagawa ko ang aking takdang aralin sinilip ko kung online si Yumi ngunit bigo ako, 5hrs ago pa nung huli syang magbukas ng kanyang messenger at ang huling message niya ay nung nagpabili siya ng maiinom sa canteen. Tinapos ko na lang ang lahat ng aking gawain at muli akong nahiga at pagdaka'y nakatulog.

"Ok lang kaya si Clark? Ano kaya nangyari sa kanya?" tanong ni Yumi sa kanyang sarili, "kamustahin ko kaya? " dagdag niya. Katatapos niya lang din gawin ang kanyang mga takdang aralin at mga gawain bahay at sa ngayo'y matutulog na. Sinilip niya ang kanyang telepono "tulog na ata si Clark" na isip niya ng makitang online 5 mins ago ang messenger ng kanyang kaibigan, napagpasyahan niya na lang magbasa ng Wattpad at pumunta sa mga istorya ni binibining sueños at pinagpatuloy ang pagbabasa ng Queen April ( https://my.w.tt/LcEvcE9909 ) . Biglang kumatok ang kanyang ina at pinagsabihang matulog na, agad sumunod ang dalaga, inayos ang higaan, at nakatulog na ngunit may kumukurot pa rin sa kanyang puso.

Naglakbay ako noon lulan ng isang tren, naka dungaw sa bintana at pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa labas Nang mapadaan kami sa isang napakagandang lawa. Naakit ako sa taglay na kagandahan nito, gusto kong hawakan ang mala kristal na tubig at lumipad kasabay mga ibong malayang pumapagaspas habang nag aantay ng mabibiktimang isda. Tumalon ako mula sa bintana ng aking sinasakyan at pinilit lumutang, di ko nagawa ang aking nais, napakabigat ng ang aking katawan, nagpatihulog na lamang ako sa bangin at hinayaan ang susunod na mangyayari. Akala ko'y sasabit ako sa mga punong nakaabang sa aking paanan ng may humila sa aking damit mula sa likuran, isang napakalaking agila at inakay ako patungo sa baybayin ng lawa. Nang ako ay mailagak niya sa lupa siya'y lumipad papalayo sa akin, napakaganda at napaka tikas ng kanyang mga pakpak na animoy siya ang hari ng buong lawa.

Sa di kalayuan ng baybayin ay nakita ko ang isang batang paslit na naglalaro't nagtatampisaw sa nasabing lawa, nilapitan ko ito at nahiwagaan ako sa kanyang pagkatao. "Kuya Clark" tawag niya saakin "Kahit ano pong mangyari ang kagandahan ng lawa ay patuloy na bumabalik pagkatapos ng unos, ng bagyo, bumabalik ang sigla ng mga nilalang na umaasa at nabubuhay sa lawang ito" ani niya, "ang pagibig ay dalisay at di kailanman nararapat na pagagapi sa takot at pangamba" dagdag niya itinuro niya ang gitna ng lawa at ng aking titingnan tumunog ang orasan at ang aking panaginip ay tuluyang naputol. Umaga na pala ngunit ang gumugulong takot sa aking puso ay naroon pa rin, "sasabihin ko na ba sa kanya?", "aaminin ko na ba?" mga katanungan bumabagabag ngunit isa lang ang dapat manaig, "Ipaglalaban ko ba siya?" "Ipaglalaban ko ba ang ang pagtinging matagal ko nang kinikimkim?" ang dami kong tanong at iisa lang ang aking sagot " Bahala na".

ᜉᜇᜊ ᜉᜇᜌᜓᜈ᜔

Ang pagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon