Unang Kabanata: Part 3

4 1 7
                                    

Nagulat ako sa pangyayari, takot na takot at kinikilabutan habang tinititigan ang sarili kong katawan na mahimbing na natutulog hangang sa may mga narinig akong yapak papalapit saaking kinaroroonan, may narinig din akong sumisigaw ng tulong ngunit di ko malaman kung saan nanggaling, nakakarinig din ako ng mga halakhak pag uusap sa hindi ko maintindihang lenggwahe. Nilingon ko ang pinangyayarihan ng yapak at nakita ko ang isang kagilagilalas na nilalang, sa buong buhay ko'y ngayon ko lang nakita ang ganoon, nakakatakot, isang matangkad na lalaki na nakasuot ng duguang Sotana at hawak sa kanyang kanang kamay ang kanyang pugot na ulong nakatitig saakin. Hindi ko maintindihan kung paanong makapasok sa aking kwarto ang nilalang na ito, huminto siya sabay turo sa aking nakahigang katawan na animo'y sinasabi niyang nais niyang angkinin ito, muli syang lumapit sa akin at nang magtama ang aking mukha sa harap ng kanyang dibdib na may nakasabit na rosaryo ako'y napapikit sa takot. "Clark ! Clark! Gumising ka na" Ginigising ako ng aking ina habang tinatapik tapik ang aking mukha, ako'y napaluha at napayakap sa kanya.

Alas sais ng umaga pinanhik ko ang kanyang kwarto para gisingin siya, pag bukas ko ng pinto nakita ko siya na parang aligaga, nasa sahig na ang kanyang kumot, at di ko maipinta ang kanyang mukha, habang siya ay tulog napansin ko rin ang kanyang kamao na mahigpit ang kapit sa sapin ng kanyang kama. Ginising ko siya sa aking pag-aalala, Clark! Clark! Anak! Clark! Clark! Gumising ka na! Di ko naaninag na ang kanyang mukha bigla na lamang niya akong niyakap na para bang takot na takot. "Binangungot ka ata anak?, halika ka sa baba uminom ka muna ng tubig" sambit ko sa kanya at pagkalas saakin pinunasan ko ng aking hinlalaki ang luha sa kanyang mga mata, "Sus, para kang di lalaki. Halika na!" Tumayo ako at papalabas ng kwarto "Siya nga pala tumawag sakin si Yumi daanan mo daw siya sa kanila kaya bilisan mo na, Ayiieehh, Binata na ang anak ko, bumangon ka na jan naghihintay na yun" Pang aasar ko kay Clark.

"Papasok na ako ma", paalam ko kay mama "asan ang kiss ko?" sagot ni mama, "Ma naman kasi", sagot ko sa kanya, "Aba, Clark Delgado Jr. bago mo halikan si Yumi dapat ako muna sa pisngi" pang aasar ulit ng aking ina, Wala akong nagawa kundi pagbigyan si mama, niyakap ko siya ng mahigpit bago ko siya hinalikan sa kanyang pisngi, " Nakakamiss din pala ang yakap ng isang ina" bulong ko sa aking isipan.

"Magandang umaga po tita Mia, Anjan pa po ba si Yumi? " tanong ko kay Tita Mia nang makita ko siya habang papalabas ng kanilang gate, "oh clark ikaw pala?" pasok ka muna, kanina ka pa inaantay ni Yumi"
nagmano ako kay tita Mia at pumasok sa kanilang bakuran, nakita ko ang aking mahal na nakadungaw sa bintana napangiti habang nakatitig saakin, ako naman ay biglang na tuliro bumagal ang aking paglakad ng mga oras na iyon, kinakabahan at pinagpawisan ng malagkit, nataranta ako noon at di ko alam ang aking sasabihin kung babatiin ko ba siya o gagantihan ng matamis na ngiti. Nananaginip lang ba ako o sadyang may mahika ang mga ngiting iyon ni Yumi papalapit na ako sa harao ng kanilang pintuan nang tinawag niya ako,

Yumi: Uy Clark para kang timang ! ang ganda ng umaga tapos para kang namatayan!

sigaw niya habang natatawa

Ako: Ah eh, wala.. halika na antayin na kita dito.

muling bumalik ang aking ulirat napatitig na lang ako sa mga magagandang bulaklak ng rosas na tanim ni Tita Mia

Yumi: Sige saglit lang (sagot niya habang patakbong bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay)

Muli kong ibinaling ang aking paningin sa pinto ng bahay nila at hinitay kong lumabas ang aking mahal, pagbukas ng pinto'y nakita ko ang mala anghel na gandang bumaba mula sa langit parang nagliwanag ang kanyang presensya habang hinahawi ng hangin ang kanyang buhok napatitig na lang ako sa kanyang labi ng lumapit siya sa akin at di ako makapaniwala sa sumunod na pangyayari, paglapit niyay nagkatitigan kami, hinawakan ko ang kanyang pisngi at dahan dahang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin hangang sa maglapat ang aming mga ilong, ibinuka ko ang aking mga labi at inihanda sa susunod na mangyayari...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang pagmulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon