[Maria]

3 2 0
                                    

-[Fade in] -

Bigla na lamang akong natauhan nang may humawak sa magkabila kong balikat mula sa likuran at bigla na lamang akong niyakap. Sino pa nga ba ang gagawa sa akin no'n kundi si Jironn. Araw ng sabado ngayon kaya't araw din ng pagbisita niya sa akin dito sa aming barangay.

"Sorry, I'm late" nakagawian na niyang saad at saka naupo na aking tabi. Sa araw na ito lamang siya nakakabisita dahil abala din siya sa kaniyang pag-aaral.

A strange feeling suddenly came out in my chest. Bilang ko ang mga araw ng pagkikita namin dito ng taong kaharap ko ngayon. At masasabi kong... Itong lugar na ito ang hinding-hindi ko makakalimutan.

Marami nang mga alaala ang nabuo namin kasama na rin doon ang aking mga kaibigan.

"Ayieeee"-hiyawan ng aking mga kaibigan na siya namang pagpula ng pisngi ko.

Maraming mga pagkakataon na kami ang nagiging sentro ng pang-aasar nila pero nasanay na kami doon.

At sa mga nagdaang araw, patuloy parin siya sa pagbisita rito sa amin.

***
-[Fade out]-

Ikatlong buwan na ng kaniyang panliligaw ngayon, at hindi ko maipagkakailang, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
At saksi ang banga sa ito sa mga unforgettable moments namin.

Ipinadyak ko ang aking paa sa batuhan kung saan nakatayo ang banga. Malapad na hugis cylinder ang poste na siyang nagsisilbing pundasyon nito. Nasa tuktok naman ang palayok na hulma nito. Ilang oras na akong naghihintay. Ganito naman parati ang sitwasyon pero hindi ako nagsasawang maghintay sa kaniya. Gaya ng inaasahan ko, tanaw ko na ang paparating na itim na sasakyan.

***
-[Zoom in] -

"Anong ginagawa mo? "-I asked him. Nasa likod ko siya habang ibinababa ang aking cropped top. Kasalukuyan ko kasing iniihipan ang mga bubbles kaya nakataas ang aking mga kamay at naisasama ang aking pang itaas na kasuotan.

"Don't wear this shirt again! Masyadong maiksi, mukhang pambata! "-kita ngayon sa kaniyang mukha ang pagkairita habang ibinababa ang cropped top ko.

Dito sa ilalim ng banga, unti-unting nabuo ang mga masasaya, malulungkot, at mga normal na pangyayari kasama si Jironn.

***

-[Zoom out] -

"HAHAHAHA"-dinig ang tawanan namin dito. Normal lang na araw pero masaya. Naka upo kami ni Jironn sa isang gilid, habang sa ibang side nakaupo ang mga kaibigan ko. May kanya-kaniya kaming mundo, kumbaga.

-[Fade] -








I'm Maria, I didn't expect that I'd loved this guy beside me. Before, isa lang siyang stranger ng dumaan lang sa harapan ko para magpakuha ng litrato kasama ang mga barkada niya... Well, expect the unexpected.

Now, holding his hand feels like home.
Would it be forever?
Lets see...


***
GaietyRiri

Their Rendezvous (A Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon