[Maria]
Maraming mga araw na iba't-ibang pangyayari ang nasaksihan ng lugar na ito at hindi naman ako nagsisisi at nagsasawa doon. Ewan ko ba!
Merong tampuhan, asaran, dramahan, at higit sa lahat, lambingan...
Let me enumerate those...
Tampuhan?...
Well, hindi ko ineexpect na mararanasan namin 'yung ganto. Akala ko smooth lang ang relasyong ito pero hindi pala. Meron din palang ups and downs, kumbaga parang roller coaster...
[Flashback]
Noong araw na iyon, hindi ako nakasipot sa oras ng tagpuan namin dahil natambakan na ako ng assignments at projects na ipapasa para sa end of semester. Naiiyak na ako sa dami, sa totoo lang! Habang nagsusulat, hindi mawala sa isip ko kung ano na ang ginagawa ngayon ni Jironn. Baka naghihintay na siya ngayon sa banga.
It's already nine o' clock. Pero kailangan ko itong tapusin... Eksaktong alas onse, naisipan kong magpahinga hanggang sa hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa banga...
There! Habang tumatakbo nakikita ko na ang likod niya.
"J-Jironn! "-tawag ko sa pangalan niya.
Paglingon niya, nakasimangot na siya at blanko ang ekspresyon. Syempre nakakanerbyos yon! Napaparanoid pa nga ako na baka hiwalayan na niya ako. Masyado na ata akong mababaw sa lagay na iyon.
"I'm sorry, marami pa kase akong projects na hindi pa natatapos... Kanina ka pa ba naghihintay? "
"Ewan ko sayo! " - that's his bad side... para siyang bata kung makaasta. "Dalawang oras na akong naghihintay dito, Maria... Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sayo. " -umikot ang mga mata niya matapos niyang sabihin yon, and I find it cute HAHAHA. Akala ko babae lang ang gumagawa no'n?
Hindi ko mapigilang mapangiti habang siya ay nakasimangot parin. How adorable~. Ilang beses ko ng nasilayan ang mukhang yan with different reactions, galit man yan o nakangiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Pinagtitripan ko lang ata ako eh... Uuwi na nga lang ako, bye!"-Jironn then turned his back to leave.
Hinabol ko siya syempre. Ano pa nga bang gagawin ko, mahal na mahal ko 'tong lalaking to kahit na mas maldita pa to saken... Maldito pala.
I hugged him from behind... habang tumatawa. "Sorry naa! "
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Hindi ako ganito before, akala ko nga ako na ang pinakamaldita among my friends. Pero mas malala siya.