[Maria]
"I LOVE YOU"
5 years later...
"Anu nga ulit yun? Ugh, forget it."
"Friend naman! Kinikilabutan na kami sayo eh!"
What's my point of having here? Sa Banga ba talaga kami magkikita, of all places? Ugh kairita.
"Anong gagawin natin dito?"- me
"Iniiba mo 'yung usapan."
"Hindi kaya! Sino bang nag-aya?"- panunumbat ko
"Alam mo, nakakasawa na 'yang ugali mo!"
"Ikaw pa talaga yung magsasawa? Ngayon lang kayo nagpakita sakin, tapos ano? Ganto? Dito tayo magkikita?"- I almost out of breath
"So what's the point? It doesn't matter kung dito tayo magkikita-kita, dati naman ah! Maria, hindi ka na namin maintindihan. "
"You know what? Just leave me alone!"- what am I sayin'?
"You're unbelievable! Tara na!"- they walked out without saying any words.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Why am I being emotional these past few days? God! Dahil ba sa aksidente five years ago? I don't know! Pamental na kaya ako? That's not a good idea.
Maraming nagbago sa lugar na ito...pero nandiyan parin 'yung Banga. Wala nang puno, puro semento. Malinis, pero tuyong tuyo naman ang paligid. Wala na ata akong nalalanghap na hangin, my goodness.
And for your information, about sa aksidente, Hindi naman masyadong malala, minor lang. Tumama lang yung ulo ko sa bato, 'yung lang.
I know everything syempre! Walang labis walang kulang. I'm an only child, living in this...damn... Universe. Ha.ha.
'Yung mga kaibigan ko, myghad iniwan nanaman ako. Alam na nga nilang wala akong boyfriend since birth, tas hindi man lang sila magreto? Huhuhu, poor me.
NBSB?
Tumingin ako sa may bandang kaliwa. Hmm? Nagkaboyfriend na ba ako? Ugh, nevermind.
"Makauwi na nga lang!"
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad...
Then suddenly I stopped. Anong meron? Tsk. May nakalimutan ata ako?
Bumalik ako sa waiting shed, pero wala naman eh... Anubanamanyan!
Naglakad ulit ako, gusto ko na talagang umuwi. Feeling ko it's been a long day kahit hindi naman.
Lumingon ako sa kanan hanggang sa hindi ko namalayan na tumigil na pala ako sa paglalakad habang nakatunganga sa banga. Nakatitig to be exact. What's wrong with me? Nakakairita namang tignan 'yan. Bakit ba ayaw pa nilang gibain?
Those mysteries. Parati na lang akong nakakaramdam ng kakaiba sa tuwing nakikita ko yan. Kinikilabutan ako, feeling ko may mumu diyan na bigla na lamang mang hihila at ikukulong sa loob.