[Maria]
muli ng sabado kung kayat narito ako, nakatayo sa harapan ng banga, as usual. Almost 5 months na kami ni Jironn at hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya dito mismo sa harapan ng misteryosong banga na ito. He's my first boyfriend. Yes... tama kayo! Five months na ang nakakalipas... 5 months na kaming mag-on, ibig sabihin 5 months na kaming nagkikita rito ni Jironn pero tuwing araw lang ng Sabado.
"Sinasagot na kita"– sinabi ko iyon ng pabulong na sa tingin ko ay narinig naman niya.
"Anong sabi mo?! "– tanong niya sa akin na tila pinapaulit pa niya ang sinabi ko.
"Tayo na, tayo na"–akmang tatayo ako. Na sinasadya ko namang asarin siya. Dalawa ang ibig sabihin non. 'Tara na' at 'sinasagot na kita'.
"Eeehhh! Maria naman! "– kay ganda sa pandinig nang sabihin niya ang pangalan ko na kahit para siyang bata na nagmamaktol. "Ulitin mo iyon! "
"Tayo na–" bigla na lang niya akong niyakap.
Naramdaman ko sa balikat ko ang init ng bawat patak ng luha niya.
Iba siya sa mga nakilala kong lalaki. Kita naman ngayon sa inaasal niya pati na rin ng mga galawan niya. Imbes na magtatalon at magpagulong-gulong sa galak, tulad ng mga tipikal na ugali ng mga kalalakihan kapag nasagot sila ng kanilang nililigawan, iba siya. Heto siya at umiiyak sa tuwa. Sobrang saya niya at para sa'kin, napakaganda sa feeling na napapasaya ko siya ngayon.
Back to present, as usual, naghihintay ulit ako sa kaniya. Hindi naman ako nagrereklamo, malayu layo rin naman ang bahay nila mula rito kahit na nasa iisang lungsod lang kami.
Nakakatuwang isipin na marami na akong alam mula sa kaniya na hindi ko naman alam noong nililigawan niya ako. May mga bad sides din pala siya na tinatago, pero tanggap ko naman lahat ng mga iyon. I take it as a part of our relationship. Still, narealize ko na hindi lahat ng tao, or should I say lahat ng tao ay hindi perpekto. Ang akala ko nga noon eh perfect na siya para sa akin noong una kaming nagkita, pero hindi pala.
***
Halos isang oras na akong naghihintay... and as expected, paparating na nga ang isang sasakyan na kulay itim na lulan ng mahal ko.
Weird man kung maituturing pero wala kaming endearment. Dahil we consider our own names as endearment. Hindi porque wala ng tawagan, hindi na sweet at hindi na magtatagal...
Saying his name is the sweetest thing na ginagawa ko araw-araw. At ang marinig ang pangalan ko na lumalabas bibig niya sa tuwing nag-uusap kami ang isa sa pinaka nakakakilig na moment para sa akin. Corny mang isipin, pero ganun talaga.
Sa pagkakataong iyon, ay muli kong napansin ang matamlay na mukha ni Jironn mula sa kinatatayuan ko. Naglakad siya papunta sa gawi ko,. Sinulyapan ko ang kaniyang mga paa na malalaki ang mga hakbang papunta sa akin at muli kong ibinalik sa kaniyang mukha ngunit ipinagtaka ko ang biglaan niyang pagngiti sa akin. Kani kanina lamang ay mukahng malungkot siya, bakit ngayon ay hindi na?
Binalewala ko na lang iyon at ngumiti pabalik sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit na hindi naman niya ginagawa dati.
Tinignan ko ulit siya, ngayon, nasa banga naman ang paningin niya.
"I know you find it weird, Maria pero sa tuwing nakikita ko ang banga na iyan, feeling ko nalulungkot ako. "
I looked up at him, directly in his eyes. Kaya pala mukha siyang malungkot kani-kanina lamang at noong mga nakaraang araw.
"Kaya naman pala. " habang nakatingin parin sa harapan, sinabi ko iyon.
"Kaya naman pala? " he asked
"Napapansin ko kanikanina at kamakailan lang na mukha kang malungkot. " I giggled
Sa mga oras na iyon, nawala mga pangamba ko na nagsasawa na siya sa akin dahil sa mga reaksyon niyang iyon sa tuwing dumarating siya rito.
"Wag ka ng malungkot, Jironn. Ikinuwento ko naman na sa iyo kung ano ng alamat niyan, hindi ba? Hindi naman nakakalungkot iyon, napakamisteryoso lang. " I said
"Hahahaha. Nalulungkot ako kapag nakikita ko iyan pero napapawi naman pag nakikita kitang nakatayo rito... Naghihintay sa akin. "-pagpapaliwanag niya. Sa mga sinabi niyang iyon, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kasabay ng pamumula ng mukha ko.
"Namumula ka oh! "–habang tumatawa,
Nakitawa na lang ako dahil hindi ko naman maitatangi iyon...
Wala akong nagawa kundi sumakay nalang sa mga trip niya... Tutal doon naman siya masaya...
-to be continued-
***
GaietyRiri