ー 45

1.7K 48 3
                                    

Clio:hello mga hampaslupa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Clio:
hello mga hampaslupa

Skye:
taena ka clio nag-aalala
na ako sa 'yo.

ba't naka-lock pintuan
ng kwarto mo?

Daphne:
kaya nga

nag-aalala na rin yung
landlady natin tanga

alam mo naman na
peyborit ka noon

Chanel:
clio, are you okay na?

ezra was in ust pala yesterday
but you were in ateneo

Clio:
ikaw pinunta ko d'on,
hindi siya okay?

tsaka hindi lang naman si
ezra ang natitirang lalaki
sa mundo

pero aaminin ko na ang
lungkot nung nalaman ko 'yon.

alam kong mababaw na rason
sa inyo pero hindi ko rin alam
kung bakit ang lakas ng impact
nun sa akin.

Skye:
hindi naman namin iniisip na
mababaw na rason 'yon aba

ang sakit kaya malaman na
hindi pa nga kayo nagsisimula
pero alam mo na na wala kang
pag-asa sa kaniya

naranasan ko na 'yan, 'di ba?

Daphne:
grabe iyak ni skye n'on.

ninerbyos ako, e

Skye:
paanong nerbyos?

Daphne:
tumigil ka skye

seryoso tayo ngayon

Skye:
hehe sarreh pinapagaan
ko lang naman mood

Clio:
ge pasok na 'ko

Skye:
nakalimutan na ata ni clio
na blockmates natin siya

Chanel:
she's not in the right mind, skye.

let her na lang. she cried kaya
sa akin yesterday

Daphne:
seryoso?

Chanel:
yes. my atenean friends
even comforted her.

Skye:
grabe, hindi ko kinakaya
mga nangyayari

Daphne:
kung ako sa 'yo clio,
babaguhin ko pangarap non.

Skye:
same

Chanel:
agree.

Its better to fight and lose
than not to fight at all.

just a piece of advice, clio therese.

Take It SlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon