CLIO'S POV
"Dalian mo nga kasi, Daph! Kay haba haba ng legs mo tapos napakabagal mo maglakad. Ano silbi n'yan?" Reklamo ko kay Daphne na ubod ang bagal sa paglalakad. Kanina pa 'yan, jusko. Nagmamadali nga ako dahil nag-text na si Ezra na malapit na siya.
Hindi sana ako nagmamadali ngayon kung hindi dahil sa mga panira kong professor na kinancel yung discussion tapos biglang sasabihin na may pasok last minute. Takte talaga, ang sasarap nilang itapon sa bermuda triangle. Sinisira nila ang araw ko! May date pa naman ako.
"Take it slow nga raw, e. Maunawain naman 'yon si Ezra. Huwag kang kabahan d'yan," sabi niya sa akin.
Inirapan ko siya at hinampas. "Hindi ako pagong, hano? Kakaladkarin na talaga kita!" inis na sabi ko sa kaniya.
Ang gaga kasi mas lalong binagalan ang paglalakad! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan na ayusan ako, iniwan ko na 'to rito. Bwisit. Hindi kasi ako sanay mag-make up, e. Makapag-practice na nga mamaya pag-uwi ko.
"Yo! Saan punta?" biglang bungad sa amin nung isa naming lalaking blockmate na lagi akong dinidikitan. Hindi ko alam kung may gusto 'yan sa akin pero lagi siyang sumusulpot sa lahat ng dinadaanan ko. Kabute ka, bHie?
"Wala kang pake," sabi ko at hinila na si Daphne papaalis.
"Gaga, ang harsh mo," natatawang sabi sa 'kin ng kaibigan ko.
Aba, nagmamadali na 'ko, bwisit pa 'ko dito sa katabi ko tapos bigla akong tatanungin? Sorry not sorry.
Shet. Naglisawan mga couples dito sa Lovers' Lane. Ang sarap nilang sigawan ng 'Mag b-break din kayo' pero medyo matunog pangalan ko baka ma-bash ako.
Mabilis lang kaming nakarating sa dorm dahil walking distance lang naman 'to sa UST. Buti na lang talaga at malapit lang kung hindi, hindi ko na alam gagawin ko. Baka natulak ko na sa kalsada si Daphne.
Dapat nakaayos na talaga 'ko, eh! Epal talaga mga professor na 'yon. Kung hindi ko lang talaga sila kailangan para maka-graduate, binara ko na sila. Joke! Bad 'yon, bad. Wag gayahin mga bata.
Papakabait na nga ako para kay Dolphin ko, para hindi ko masira good boy image niya. Kaya sorry na agad sa blockmate ko na nasungitan ko kanina. Hindi ko po sinasadya.
"Ito suot mo," inabot sa 'kin ni Skye ang kulay light blue polka dots dress na above the knee. Mabilis kong hinagis sa kaniya 'yon pabalik dahil ang pangit.
"Ang ikli! At ayoko ng polkadots, huy. Ano 'to? New year?" reklamo ko.
"Wala tayong patutunguhan nito, Clio. Gusto mo mag-gown ka nalang para bongga na?" sarkastikong sagot sa akin ni Skye. Kung pwede nga lang mag wedding gown, why not?
Pumikit ako at pilit na ikinalma ang sarili dahil baka konti na lang, masasampal ko na mga kaibigan ko.
Self, magpigil ka. Kaibigan mo sila, okay?
"Meron pa naman sigurong dress d'yan si Chanel," sabi ko.
Tumayo na ako para ako na mismo ang maghanap. Nakakahiya naman sa kanila. Sobra akong nahihiya talaga.
Naghanap ako roon sa cabinet ni Chanel. Kakamove out lang niya dito sa dorm dahil gusto raw niya mas malapit sa Ateneo. Buti na lang at iniwan niya yung iba niyang damit kung hindi, wala akong masusuot na damit ngayon. Ayoko namang maghubad baka maturn-off sa 'kin si Ezra. Baka buhusan ako ng holy water n'on!
BINABASA MO ANG
Take It Slow
Short Storyin which a boy from ADMU who aspires to be a priest to serve God and help people, however, appears to change when a girl from UST captures his interest. sg series O2. epistolary. 2O2O.