IV. KISS

1.9K 43 1
                                        

Pagkadating ni Karylle sa location na tinext ni Anne, agad niyang nakita ang best friend niya kasama ang isang matangkad at gwapong lalaki.

Nag-wave si Anne. Agad siyang bumeso kay Karylle.

Tumayo naman ang lalaki at nakipagkamay.

"Sis, this is Vhong. My BF. As in boyfriend. Vhong, this is K. My BF — Best Friend," pakilala ni Anne.

Karylle smiled politely.

"So ano ba ang dapat kong malaman today? I just met your boyfriend. What should I know about?" curious na tanong ni K.

Tahimik si Vhong.

"Ahmm... Sis... Vhong just proposed to me last night," maingat na sagot ni Anne.

Namilog ang mata ni K.

"WHAAAT?! You guys are serious? Kakameet ko lang ng lalaking 'to, sis. Engaged agad??" she said sarcastically.

"Sis naman. Proposed pa lang. Kasal agad? Next year pa namin plano. We still want to get to know each other better," paliwanag ni Anne.

"Getting to know each other? Engaged agad? Sis, sigurado ka ba d'yan?" hysterical na sabi ni K.

"Mawalang galang na, K," sabat ni Vhong. "Alam kong mabilis para sa'yo, pero hindi ako nagpadalos-dalos. Mahal ko siya. At asahan mong hindi ko siya lolokohin."

Biglang natahimik si K.

She looked at him carefully... then smiled.

"Okay then. I just don't want you to rush things. Mahal na mahal ko 'tong best friend ko."

She hugged Anne. Vhong looked relieved.

Nagkape sila at masayang nagkuwentuhan. Madali namang nagkalagayan ng loob si K at Vhong dahil sadyang mapagbiro ito.

Sa sobrang aliw nila, hindi namalayan ni K ang oras.

She checked her wristwatch.

5:00 PM.

"Oh, sis? May appointment ka pa ba ngayon?" tanong ni Anne.

"Iniisip ko nga eh... Mukhang may nakalimutan ata ako."

"Yan talaga sinasabi ko sa'yo. Masyado kang makakalimutin. Check your phone nga."

Karylle opened her phone.

Three messages from Coleen.

3:00 PM
Miss K, Mr. Viceral texted na nasa coffee shop na daw siya. He is waiting for you na po.

4:15 PM
Miss K, dadating po ba kayo? Mr. Viceral texted me at mukhang galit na po kakahintay sa inyo. Binigay ko na po yung check para sa damages ng car niya. Pero gusto niya po talaga kayong makausap.

5:00 PM
Miss K. Saan na po kayo? Andito po si Mr. Viceral sa office at ayaw pong umalis unless pumunta po kayo. Kung hindi daw po, magsasampa siya ng kaso at ipapablotter niya daw po kayo.

Nanlaki ang mata ni K.

Pambihirang bakla 'to. Hindi talaga ako titigilan. Ba't ko ba kasi nakalimutan?!

She quickly texted Coleen that she was on her way. Nagpaalam siya kina Anne at Vhong at nagmamadaling pumunta sa office.

Pagdating niya, nakita niyang nakaabang si Coleen, bakas ang panic sa mukha.

"Where is he?" tanong ni K habang inaabot ang laptop kay Coleen.

"Nasa office n'yo po, Miss K."

Tumango si K.

"Ahmm... Miss K? Medyo galit po si Mr. Viceral... you know... ingat po..." paalala ni Coleen.

K gave her a confident smile. Don't worry. I can handle this.

Habang naglalakad siya papunta sa office niya, naaninag niya ang anino ng isang matangkad na lalaking pabalik-balik ang lakad.

She opened the door.

"Mr. Viceral! You're here," she said brightly.

Vice slowly turned.

Kung anong lapad ng ngiti ni Karylle, ganoon naman kalalim ang kunot ng noo ni Vice.

"'Wag mo 'kong ma 'you're here, you're here,' babaeng kulot ka! Dalawang oras akong naghintay sayo! Ikaw na nga may atraso, ako pa pinaghintay mo? Aba, ginawa mo akong tanga!"

"Mr. Viceral, please lower your voice. You're in my office. Let me explain. Natagalan ako kasi nag-meet ako ng client. Ano pa ba ang problema? Nabigay na namin ang payment sa damages."

Biglang lumapit si Vice.

Masyadong malapit.

"Hindí sapat 'yon! Ni hindi ka pa nga nagsosorry sakin!" singhal niya.

Inilapit niya ang mukha niya kay K.

Isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.

Napatigil si K.

"Miss Tatlong-hari..." malamig na sabi ni Vice.

"A-ah... ano?" halos pabulong na sagot niya.

Her breath hitched.

Napansin niyang nakatitig si Vice sa kanyang mga labi.

Shit... di pwede 'to. Bakit mo tinitingnan ang labi ko? Bakla 'to, diba?
Ang amo ng mukha niya... mas bagay siyang walang false eyelashes...
At 'yung mga labi niya — bakit ang lakas ng dating?

Hahalikan niya ba ako?

Her heart pounded wildly.

For a split second—

She closed her eyes.

And unconsciously...

She slightly pouted.

Waiting.

DebrisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon