V. HOPIA

1.9K 46 1
                                        

Nakapikit na nakikiramdam si K kung ano ang susunod na mangyayari, nakanguso pa rin siya.

"Miss Tatlong-hari..." malamig at pogi tone ni Vice.

"Yes...?" sagot ni K, nanginginig. Hinawakan ni Vice ang chin niya at bahagyang itinias ang mukha niya.

"Ano brand ng lipstick mo?? Hahahahaha!" tawang tanong ni Vice.

Biglang minulat ni K ang mata at nakita siyang tumatawa nang todo si Vice, hawak pa rin ang tiyan sa kakatawa sa ginawa niya. Napakunot-noo si K, halatang annoyed sa panggogoodtime ni Vice.

"I got u!!!! Hahaha! Ano ka ba, Miss Tatlong-hari?! Hello?! Bakla ako te! At 'di ako kailanman papatol sa babae!! Kala mo talaga hahalikan kita, noh?! Nakita mo ba 'yong mukha mo? Para kang tanga! Papout-pout ka pa??!" natatawang sabi ni Vice, ginagaya pa ang mukha ni K na nakanguso kanina.

Naisahan ako dun. Ano ba 'to?! Akala ko hahalikan ako. Bakla nga pala to. Nakakaasar! Bwisit tong bakla to! Ang sarap pektusan... muntik.

"You happy now??" sigaw ni K sabay talikod kay Vice palabas ng office.

"Oh? Bakit ka napikon??! Quits na tayo. Pinagmukha mo akong tanga kakahintay sayo, diba? Pinaramdam ko lang sayo ang naramdaman ko! Di ba pangit pagmukhain kang tanga!" pigil na sabi ni Vice, sumusunod sa likuran niya.

"What you did, Mr. Viceral, is not right!!! Urghhhh!!! Ikaw na bakla ka!!!" sigaw ni K habang naglalakad papuntang sasakyan.

"Oy, oy, sorry lang hinihingi ko sayo, hah!" sagot ni Vice, na sinusundan siya.

"Sorry your face!!!!" sigaw ni K, sabay bagsak ng pintuan ng sasakyan. Pinaandar niya ang kotse at umalis. Naiwan si Vice sa parking lot, nakangiting tagumpay.

Sa isip niya: Maganda sana tong babae kung di lang masama ugali. Basta talaga, Kulot Salot eh. Buti na lang at nakapagpigil ako kanina. Kahit sinong lalaki maa-attract sa kanya. Kahit ako ngang bakla. Magkikita rin tayong muli, Miss Tatlong-hari. Then he smiled and walked away.

Karylle went straight sa bahay ng mom niya at nag-dinner kasama ang kanyang mom at dalawang sisters.

Karylle's parents were separated — her dad, Mr. Modesto, a dentist, lives in an apartment in Pasay City, na kung saan bumibisita siya tuwing Thursday. Despite the separation, both remained friends and on good terms.

Pagkatapos ng dinner, Karylle went straight home sa condo. She fixed herself, ready for bed. Nakahiga siya sa malambot niyang kama, ngunit papalit-palit ng posisyon dahil hirap siyang makatulog.

Bakit ba nahihirapan akong matulog?

Dahil ba sa coffee kanina? O sa dami ng nagawa ko ngayong araw? Ano kayang ginagawa ni Yael ngayon? Ni text man lang, wala. Wala ba talaga siyang pakialam sakin?

Kelan kaya ako makakahanap ng sarili kong JoMarie sa buhay? Haay... JoMarie... kamusta ka na kaya? Sana naging boyfriend ko ka na lang. Sana okey ka ngayon at nakalimutan mo na si Kay ng buhay mo.

Isa pa tong si Anne. Engaged na. May sariling prince charming na siya. Kahit gaano ako ka-successful, di pa rin masaya itong love life ko.

Di naman ako ganito kapanget, diba? Muntik pa akong makafirst kiss kanina. Manyak talaga ang baklang 'yon. Pogi sana. Bakla nga, manyak naman. Sayang... Sayang lahi niya. Akala ko itutuloy niya. Muntik na talaga.

Nako... Jose Marie Viceral...

Hanggang sa nakatulog siya...

DebrisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon