X. PERSONAL STYLIST

1.8K 45 0
                                        

Tumungo sila diretso sa kusina. Nagluto si Vice ng lunch. He cooked hotdog, bacon and chicken soup for the both of them. Ito lang kasi yung kaya nyang lutuin.

"Wow. Sarap naman neto.. " pambobola ni K.

"Che! wag mo nga akong binobola Kurba. Prito lang naman yan eh saka chicken soup para mahimasmasan ka. "

"Ano ka ba Pogi. Naappreciate ko kaya ito. Wala pang lalaking nagluto para sakin. Alam mo Vice di ko talaga alam ,noong unang tayong magkita diba para tayong aso't pusa pero nang magkabati tayo at naging friends feeling ko ang gaan gaan ng loob ko sayo.. "

"Ako nga din Kurba eh. Pero di naman talaga ako galit sayo nuh. Medyo naiinis lang talaga ako kasi di ka man lang nagsorry sakin.. Di ko nga din alam at parang gustong gusto kitang tulungan kahapon eh. "

"Thank you sa malasakit Vice at sorry sa ano mang di natin pagkakaintindihan. I owe you bigtime. Pano ba ko makakabawi sayo .. " tanong ni K. Nag isip si Vice hawak hawak pa nya ang kanyang baba na para ba talagang malalim na nagiisip. Bigla na lang napangiti sya.

"May gagawin ka ba ngayon? " tanong ni Vice.

"Wala kasi sunday ngayon.. " sagot ni K.

"May event kasi kami mamaya. Golden Anniversary ito. At kelangan ko ng photographer. I like your shots. Magkano ba talent fee mo? "

Nagulat si K sa sinabi ni Vice. Nagulat sya hindi dahil ayaw nya. Nagulat syang sinasama sya nito sa event nya.

"Are you sure ?" tanong ni K.

"Oo nga Kurba basta mura lang ang TF mo hah.. Baka naman maubos lahat ng kikitain namin sa TF mo.. " biro ni Vice.

"Ano ka ba Pogi.. Libre mo na lang akong coffee okey na ko. Masaya nga ako at isasama mo ako. Life is like a camera. Focus only on what is important and you will capture it perfectly. Thats my motto!

Mga anong oras ba? "

"Mamayang 6pm pero nandun na ang mga bakla. Susunod na nga ako dun mayamaya at siguradong kelangan na ako dun"

"Ok magbihis ka na. Just drop me sa condo ko. Bigay mo na lang sakin yung address at susunod na lang ako dun" saad ni K.

Vice fix his self. Si K naman ay nag ayos ng pinagkainan nila. Pagkalabas ni Vice sa kwarto nya ay nakauposi K sa sofa. Tignan nya ito mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ito ng polong bulaklakin at nakatuck in sa pink nyang pantalon. Nakaleather shoes ito at nakaplantsa yung blonde na buhok. Nagsmile ito kay K at litaw sa bibig nito ang pink na lipstick. Sa kapal ng foundation ng Bakla ay di mawari ni K kung chiffon cake ba ito o mukha ng kaibigan. Nakasuot din ito ng false eye lashes.

Napakunot na lamang si K. She went directly to Vice's closet.

"Hey what are doing?"

"Alam kong bakla ka Vice but look at you. You are so GAY. Im not a fashion police but hell yeah I have a fashion designer bestfriend. And what you're wearing now is a big No No. " explain ni K habang inuukay ang closet ni Vice.

"Eh gay naman talaga ako eh. Pangit ba talaga? Tulungan mo naman ako friend. "

"Ito na nga ginagawa ko. Ito isuot mo. At ito rin. Pakilight na din ng make up mo. Make it natural. Yung hair mo, Ok na yan. Dalian mo na isuot mo na yan. "

Pagkabigay naman ni K ng mga damit ay lumabas na sya sa kwarto. Natagalan naman ng kalahating oras si Vice sa loob. She knocked at the door.

"Tagal mo naman. Ano na Vice? diba Event organizer ka. Di para sayo yong event. Nasa likod ka palagi kaya wag ka ngang magtrahe de buda dyan. "

Kakatok ulit sana sya ngunit bigla namang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. He wore a long sleeved , white buttons up shirt, with navy blue shit peeking underneath and dark grey jeans with white snickers. His hair was kept neatly messy.

In short, Pogi.


Natulala pa si K sa nakikita nya. Medyo nakaka nganga pa. Napasmile nalang si Vice sa kanya. Hinawakan nya yung baba ni K upang isara yung bunganga ng dalaga.


"Hi. My name is Vice. Gandang Lalaking Event organizer ng Quezon City"


A/N

BAWI AKO NEXT CHAPTER SIBS. CONTINUE READING.MGA SIBS..

DebrisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon