18

9 0 0
                                    

YURI'S P.O.V

"Song Mingi!"ang sigaw ko nang para siyang tangang umuugoy sa swing at inaaway yung tatlong batang lalaki na gustong sumakay din sa swing.Puntang'ina.

"Hi!"ang parang bata niyang bati sa akin,saka paharap na bumagsak at lumagapak sa lupa.Napailing na lang ako at nilapitan siya.

"Mingi."

"Hyung....."hindi ko narinig yung mga sinabi niya.Teka,antagal ko na ding hindi nakakapunta dito,mga ilang taon na rin.Mas gumanda na din to.

"Mingi,kaya mo bang tumayo?"

"Hakdog..."saad nito at umikot sa damuhan,sak humalakhak puta?

"Mingi--Yuri..."pagputol nito sa sasabihin ko at saka humagulhol.Ngayon ko lang siya nakitang umiyak,sa loob ng halos 16 na taong pagsasama namin sa halos araw-araw,ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito.Iba talaga ang tama sa kaniya ni Bella,ibang-iba...

Niyakap ko siya at inuupo."Okay lang yan,Mingi.Andito lang ako sa tabi."ang sabi ko habang hinahagod ang likod niya.Niyakap niya ako at saka sumuka.

"Putang'ina Mingoy!"ang pagsigaw ko,napatingin naman sakin ang mangilan-ngilang tao sa playground na to."Kadiri ka hayop."saad ko itinayo siya.

"Yuri-ssi"ang saad niya at tumawa,tang'ina?Kanina umiiyak siya tapos tatawa,lasing ba talaga to o baliw lang?

"Nasaan susi ng kotse ni tito?"ang tanong ko sa kaniya,tumuro lang siya sa baba,"Kunin mo na."Ngumisi siya sa akin kahit mukha na siya diriain ang gwapo niya paring tingnan.

Binitawan ko siya,kaya napaupo siya.Imbis na indahin ang sakit ay tumawa pa siya,Yuri! Alalahanin mo dalhin si Mingi sa isang psychiatrist bukas.

Tumawag ako ng taxi at inisakay siya duon.Napakalaking tao ni Mingi,pihado bukas di ako makakapasok.Hayop kasi tong lalaking to ee.

"Miss saan po tayo?"

"Dun na lang sa KQ  building kuya."ang sagot ko,mahirap na baka pag sa bahay nila hindi ako makauwi ng buhay at tadtarin ako ng tanong nina tita at lalo na si tito,iniwan pa naman namin yung kotse niya.

Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa KQ building,inabot ko yung bayad dun kay manong,saka hinila pababa ng Taxi si Mingi.Sinalubobg naman ako nung gwardya,at tinulungan akong dalhin ang gago,buti na lang talaga mabait si manong,kahit nasabunutan ko dati anak nun.

Nasa higaan si Mingi nakasando lang siya,tinanggal ko yung pink niyang long sleeve puro suka kasi ee,ang baho ko na nga din ee.Hayop!

Maliligo muna ako.

Ilang minuto din ang itinagal ko sa banyo kasama na ang pagbibihis dun,kaya ngayon ay nakasuot ako ng isang sando na may kahabaan at short na maiksi,tamang tama lang pantulog.

May suot akong sports bra.Potang'ina last time na nakitulog tong gagong to,naunclasp yung bra ko kaya nevermind.

Paglabas ko ng banyo ay putang'ina!Nasaan na yon?

"Song Mingi?!"

"Yuri!"nabingi ako ng sumigaw ito,puta may sapi ba to?Di ba lasing lang naman siya?

Nakatayo siya sa tabi ng aquarium,at tinituro turo yung tubo na nailaw,walang isda yun kasi may pusa ako,wala nga lang dito ngayon kasi na kay Hongjoong.

"Mingi,matulog ka na please lang."saad ko,ngumiti ito ng parang tanga,at nahiga sa tiles.Gago?

"Tumayo ka nga diyan,kakaladkarin kita."iniabot niya yung kamay niya sa akin.Inabot ko yun at hinila siya pero mali ako yung nahila niya.

"Best friend pa rin kita ...."wala na kong narinig kundi hilik.Sa wakas tulog na rin.Grabe naman kasi,hiniwalayan lang naman bakit kailangang mag-inom?

Haysss bala na.

Friends?Okay|Song MingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon