Part 1

410 6 6
                                    

Disclaimer:

I do not own the photo used for the book cover.All credits to the rightful owner.

This is a work of fiction.Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner.Any resemblance to actual person,living or dead or actual events are purely coincidental.

Alrights Reserved
2020
by mhrjjz

*Note
This story is not perfect.Expect lots of grammar errors and misspelled words.

P.S.
Long reading ahead.

Napatingin ako sa suot na wristwatch. Nagmamadali kong inayos ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa.Pagkatapos plinantsa ko gamit ang kamay ang nalukot na laylayan ng suot kong kulay asul na bestida.
Sinipat ko muna ang mukha sa compact mirror saka nagpahid ulit ng dark red na kulay ng lipstick.

Bago ako tumayo binuksan ko ang drawer ng study table at kinuha ang kulay pink na envelop,invitation galing sa OLPU-SM doon ako pupunta a-attend ako sa aming school homecoming.

Pagkadating ko sa lugar nahirapan akong i-park ang dala kong sasakyan halos puno na kasi ang ground ng eskwelahan.Hindi muna ako agad bumaba sa kotse,inilibot ko ang paningin sa paligid.It's been five years at marami na ngang pinagbago ang dating eskwelahan.

Napangiti ako nang may mga alaalang lumitaw sa aking isip.

Mabilis akong umibis ng kotse saka ini-lock ang pinto.Hawak ang kulay grey na purse,tiyak ang mga hakbang na tinungo ko ang gymnasuim ng school na pagdarausan ng nasabing event.Yumuko ako nang matalisod dahil sa maliit na bato kaya hindi ko napansin ang lalaking kasalubong.

"Aayy!" pikit ang matang inihanda ko ang sarili sa pagbagsak sa semento. Umusal ako ng maiksing panalangin na sana maayos ang pagbagsak ko.

I sigh in relief ng hindi nangyari ang inaasahang pagtama ng likod ko sa semento dahil sa pagsalo ng matipunong braso sa katawan ko.

Ipinaikot ko ang mga kamay sa leeg ng taong sumalo sa akin.Ramdam ko pa ang dantay ng mainit niyang palad sa likod ko.

"I got you,Miss" he said.His voice sounds familiar to me.And I don't know why my chest started to hammered upon hearing the baritone voice of my savoir.Dahan dahan kong iminulat ang mga mata.Sumalubong sa akin ang pamilyar at maitim na mata ng lalaki ilang segundong naglapat ang aming mga paningin.

Napasinghap ako,the man's face.... its the face that I can't forget after all these years.

"It's you!" manghang tukoy naman nito sa akin.And just like that, everything around us begin to blurr. Then I saw myself inside our school building once again wearing my school uniform....

June 2014.

Nagmamadali kong itinali ang medyo basa ko pang buhok wala ng suklay suklay uso naman ang messy bun.Saka hindi kasi ako nagdadala ng suklay dagdag pabigat pa sa loob ng bag ko eh!

Plain looking lang talaga kasi ako hindi ako nag me-make up or gumagamit ng lipstick.I prefer to wear loose tshirts,jeans and rubber shoes than dresses,skirt and heels.Kaya madalas tuloy akong tawagin na tomboy o kaya boyish.Pero hindi ko pinapansin.Babae kaya ako bahala sila sa buhay nila.Walang basagan ng trip.

The Him Who Loves Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon