Part 13

134 4 1
                                    


"Witwew! hindi na torpe si captain!"

"Sa wakas, Cap. nangangamoy love life!"

Nahihiyang yumuko ako kanina pa kami inuulan ng tukso ng mga kabarkada at teammates niya.
Nagpumilit siyang sabay kaming kumain sa school cafeteria.Dahil isa siyang dakilang epal hinila niya ako doon kahit ayaw ko.

Nagtatalo pa nga kami kanina sabi ko kasi may nanliligaw bang namimilit.

Sinagot ba ako nang kaya nga daw pinipilit para pumayag pilosopo talaga.

Ayan nga at naging tampulan kami ng panunukso.Tila naman nag eenjoy pa siya sa mga panunukso ng mga barkada niya ngiting ngiti pa ang loko.

Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.Kinindatan niya ako then he mouthed I love you.Tila may kumikiliti sa puso ko kinikilig pa yata ako.

Tinotoo nga niya ang sinabing panliligaw.Hatid sundo niya ako tapos pinagluluto pa niya ako ng paborito kong pork and chicken adobo.Aaminin kong natutuwa ako sa atensyon na binibigay niya sa akin.

Palabas na kami ng cafeteria ng masalubong namin si sir.Nagtama agad ang mga mata namin patay malisyang nag iwas ako ng tingin.
At walang salitang nilampasan siya.

Binato ko siya ng pop corn sa mukha.Matalim ko siyang tinignan ng akmang babatohin din niya ako.

Nahinto sa ere ang kamay niya.
Nanonood kami ng kdrama gabi na pero ayaw pa niyang umuwi.

"Grabe under de saya talaga ata ang labas ko nito'' narinig kong bulong niya.Napangiti naman ako ng lihim.

''Panong di kita babatuhin eh wagas ka kung makatitig"

" Iniisip ko lang kasi kung anong nagustuhan ko sayo"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Baka nagagandahan ka siguro sa akin" sabi ko.

"Hindi rin" sagot niya.

"Sinasabi mo bang pangit ako?" nanlalaki pa ang butas ng ilong ko sa inis sa kanya.

Tinawanan lang niya ako.

"Tanda mo pa nung first year tayo?alam mo ba kaya kita inaasar dati kasi naiinis ako sayo".

"Ikaw na nga ang naninira ng araw ikaw pa ang may ganang mainis. Graveeeh iba ka din!"

"Kasi nga naiinis ako sayo,hindi ka naman maganda pero crush na crush kita"

Namula ata ang mukha ko sa sinabi niya.

"Hindi talaga kita type,pero yung puso ko type na type ka.Siguro ginayuma mo ako no?"

"Hoy,kapal ng mukha mo,hala tumayo ka dyan at umuwi kana"

" Nagayuma mo ako sa ngiti mo" biglang bawi niya,napipilan tuloy ako.

"Naks ,kinikilig siya oh!oy kinikilig siya!" Tinusok tusok pa niya ang bewang ko.Napalundag ako anlakas kaya ng kiliti ko doon.

"Aha!" tila naka jackpot ang hitsura niya.

Tumakbo ako ng akmang uulitin niya ang ginawa.

"Kyaaaa!!!'' sigaw ko ng habulin niya ako.

Tatawa tawang niyakap naman niya ako.

"Hoy!wag kang tumili baka mamaya sabihin nilang ina ano kita" tawang tawa pa siya.

Naitulak ko tuloy siya ng makuha ko ang ibig niyang ipahiwatig.

Ang lakas tuloy ng naging tawa niya.

Umirap ako pero parang gusto  kong sumigaw kinikilig yata ako?

Tinulak tulak ko siya sa  pinto.Ayaw pang umalis eh.

"Hoy,abuso kana magbe-beauty rest  pa ako para fresh ako bukas.Gusto ko maganda ako sa graduation pictures ko"

"Kahit pangit ka pa sa pictures,mamahalin pa rin kita" banat niya.

Kunwari hindi ako apektado.

" Tsupi ,tsupi,alis na kita na lang tayo bukas" kinukumpas ko pa ang kamay,tinataboy siya paalis.

"I'll wait for you,I'll wait till you say yes to me"

Puno ng kaseryosohan ang mata niyang nakatitig sa akin habang sinasabi niya ang mga salitang yun.

"Good night,Mal.Dreamt of me" pilyong sabi niya.

Bigla na lang niya akong niyakap saka kinintalan niya ako ng matunog na halik sa pisngi.

Pinagsarhan ko nga siya ng pinto. Kainis!!! hinawakan ko yung pisngi kong nadampian ng labi niya. Tumitiling nahiga ako sa kama.May ngiti sa labing pinikit ko ang mga mata.I drifted off to sleep na mukha niya ang nasa isip ko.

09-26-2020

to be continue.

The Him Who Loves Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon