Hindi ako dalawin ng antok.Tila isang replay sa pelikula ,paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang halik na pinagsaluhan namin kanina. Pagkatapos ng nangyaring halikan sa pagitan namin walang imik na inihatid niya ako.Pagkababa ko sa kotse agad niyang pinaharurot paalis ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero,hindi ako nagagalit sa nangyari sa halip parang nagustuhan ko pa nga.
"Haissst! Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga.
What am I thinking,nababaliw na yata ako sinabunutan ko pa ang sarili.
Muli akong nahiga.Mulat na mulat ang mga mata ko nakatitig lang ako sa kisame.Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko muli ko ding tinanggal ng nahirapan akong huminga. .
Napatingin ako sa bedside table ng mag vibrate ang cp ko.Inabot ko ang cellphone, tumatawag si sir,hinayaan ko lang hanggang sa kusang huminto ang tawag pero naulit muli.Pikit matang sinagot ko sa pangatlong ring.
Hindi ako nagsalita.Narinig ko ang malalim niyang paghinga.
" Im sorry" umpisa niya.
"Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin but please let me explain".
"Ayos lang sir,pero sana sinabi mo ng maaga na hindi ka pupunta para hindi ako nagmukhang tangang naghihintay sayo,paasa ka din sir eh!"
After I said those words to him. I canceled the call and turn off my cellphone.
Nakakasama naman kasi talaga ng loob yung ginawa niya.Pinaghintay at pinaasa niya ako sa wala.Tapos makikita ko lang siyang may kahalikan alam kong wala akong karapatan kasi wala naman kaming relasyon.I'm just his student and he is my teacher ,pero umasa kasi ang puso ko na kahit paano,may romantic feelings siya para sa akin.Syempre, sino naman ang hindi mag assume sa mga pinapakita niyang pag aalala at pagiging extra sweet niya sa akin. Dakilang pa-fall lang pala ito at ako naman si tanga agad nahulog.
Pinikit ko ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog.Madaling- araw na nang igupo ako ng matinding antok.
Mabigat ang pakiramdam na bumangon ako mula sa kama.
Dumeritso ako sa banyo para magmumog at maghilamos.Pinupunasan ko ang mukha ko ng makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Nagtatakang tinungo ko ang pinto at binuksan, nasorpresa ako sa nakita.
Nakatayo sa harap ko ang lalaking bagong paligo, basa pa ang buhok niya.Nalalanghap ko pa ang pinag halong amoy ng sabon at cologne na ginamit niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I brought breakfast".Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Nasilip ko ang logo ng isang sikat na restaurant.
Na-conscious ako sa ayos ko.Hindi pala ako nakakapagsuklay!.
Niluwagan ko ang bukas ng pinto.
" Ah---pa-pasok ka" nauutal pa ako. Kinakabahan ako sa presensiya niya. Hindi pa ako handang makita siya pero heto at nasa sarap ko na siya. Hindi naman ako ganito dati pagdating sa kanya,mula kagabi hindi ko maipaliwanag pero parang may nag iba.Haissst ang gulo!
Feeling at home agad ito dahil hindi ko pa man inayang maupo nag kusa na ito.
Inabot niya sakin ang paper bag.
"Alam kong gutom ka kaya dinalhan kita ng pagkain pinadagdagan ko yan ng tig- isang serving baka kasi kulang pa sayo.Antakaw mo pa naman"
Naiinis man hindi ko na siya pinatulan.Walang imik na kinuha ko ang pagkain.Tinawag ko na lang siya ng maihain ko na ang mga ito.Wala kaming imikan habang kumakain kahit nang matapos na kami at nailigpit ko na ang mga pinag-kainan hindi pa rin siya nagsasalita. Naninibago ako sa kinikilos niya hindi ako sanay na tahimik siya,parang ibang tao tuloy siya sa tingin ko.
Nakaupo kami sa sofa pero hindi naman kami nag uusap.
Nag alis muna siya ng bikig sa lalamunan saka nagsalita.
"About last night" pag bukas niya ng usapan.Nag init bigla ang pisngi ko ng maalala ang nangyari.
"Hmmm---gusto ko sanang sabihin na----".
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita hindi ako komportabe sa tinutumbok ng usapan namin.
"Ka-kalimutan na lang natin ang nangyari, let's just pretend it did'nt happened" sabi ko.
" Saka it's just a kiss.Nadala lang tayo sa sitwasyon."
Pilit pa akong ngumiti sa kanya para ipakitang bale wala lang sa akin ang nangyari.
Hindi ko matukoy kung sakit,o galit ang emosyon na nakita ko sa mga mata niya dahil mabilis din naman iyong nawala.
"Aalis na,ako." Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag papaalam.
Tahimik lang akong tumango.
Hindi na ako nakaimik ng buksan niya ang pinto at umalis.
Napapitlag pa ako sa pagkakaupo nang binagsak niya pasara ang pinto.
Galit ba ito?
09-26-2020
to be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/241117274-288-k748468.jpg)
BINABASA MO ANG
The Him Who Loves Her (Completed)
Genç KurguWhen love is just around the corner. Nakaka-kilig diba! Nakaka-kilig nga ba? ------ Photo used is not mine.All credit goes to the rightful owner of the photo.