Wala akong gana habang nag e-explain si sir sa harap.Nakikinig ako pero iniiwasan kung tumingin sa kanya.Kapag nagsasalubong ang mga tingin namin agad akong umiiwas. Nakakatampo naman kasi yung ginawa niyang pagtapon ng cookies na bigay ko.Tinanggihan na lang sana niya hindi yung kinuha nga itatapon naman.
"Pakitang -tao" bulong ko.
Mabilis kong sinagutan ang activity namin.Nang matapos ko,tumayo ako at tahimik na pinasa ang papel saka deretsong lumabas ng room.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng campus ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.Kung dederitso ako sa waiting shed sa labas ng school siguradong basa na ako bago pa ako umabot doon.
Gamit ang panyo,pinunasan ko ang mukha ko.Napatingin ako sa suot kong uniporme medyo nabasa ito lalo na sa bandang dibdib.Dahil sa sama ng panahon madilim na ang paligid kahit alas sinco palang ng hapon.Yung ibang estudyante sinusugod ang malakas na buhos ng ulan.Kung sana nadala ko yung payong ko.Gustong gusto ko nang umuwi,tila sumama ang pakiramdam ko dahil sa pagkabasa sa ulan.
Natanaw ko ang klasmeyt kong babae.
"Pwede pasukob kahit hanggang waiting shed lang?" pakiusap ko. Mabilis naman itong tumango." Salamat" sabi ko sa kanya pag karating namin sa labas.
"Welcome,sige una na ako.Ingat ka" sabi niya saka pumara ng tricycle.
Kalahating oras na akong nakatayo wala pa ring jeep na dumarating. Meron man iba naman ang ruta.Buti na lang at tumigil na ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Sinipat ko ang suot na relo alas sais na ng gabi.Tumingin ako sa paligid may isang lalaking nakatayo malapit sa akin.Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap sulyap niya sa banda ko.Kung kanina kampante ako dahil marami pang tao,iba ngayon.Apat na lang kaming nandito kabilang ang dalawang babaeng nasa kabilang panig ng waiting shed, medyo malayo ang kinaroroonan sa akin pero natatanaw ko sila, dahil sa ilaw ng poste sa banda nila.Nangilabot ako ng mapuna na medyo madilim sa pwesto ko.Kipkip ang bag nagmadali akong naglakad naramdaman ko pa ang pagsunod ng lalaki sa likod ko.
Napasigaw pa ako sa takot ng may kamay na humawak sa balikat ko.
" Hey,relax.It's me" nakahinga ako ng maluwag ng makilala ang tinig.
BINABASA MO ANG
The Him Who Loves Her (Completed)
Genç KurguWhen love is just around the corner. Nakaka-kilig diba! Nakaka-kilig nga ba? ------ Photo used is not mine.All credit goes to the rightful owner of the photo.