Tama bang hayaan ko muli ang mga paa kong tumakbo patungo sa'yo?
Sabihan man ng isip ko na hindi ito wasto, hindi ko mapigilan ang aking katawan. Masyadong malakas ang kontrol ng aking puso.
Bumabalik na naman ako sa dati, unti-unti na naman akong nagpapakontrol sa puso ko na pinangako kong hindi na dapat pa.
***
June 8, 2016
Nagmamadali akong pumunta sa Starbucks dahil may kikitain akong isang kaschoolmate na maaaring makatulong sa club ko.
Yes, I am the president of our Philosophy Club. And from the word itself, I really love Philosophy, the wisdom and the thinking.
"One Caffè Americano, please."
Mabuti na lang, may nag-volunteer na tumulong sa akin sa Philo Club ko lalo na't nagsisimula pa lang ako.
I posted on my social media accounts about it and luckily, someone noticed it.
Lemme help, I love Philosopy as well - JD.
Even though kilala ang family ko 'cause of our companies, yes, companies dahil maraming kompanya ang itinataguyod ni Daddy ngayon, sa university namin ay kaunti lang ang nakakakilala sa akin o nakikipag-usap.
Hindi dahil nerd ako o ano. Hindi dahil masungit ako o ano. Pero dahil nga sa family ko na may hawak ng iba't ibang companies. Maybe they're scared of pissing me off and I might ask my dad to fire their parents because mostly of the students here, their parents are working at my dad's companies.
Hindi naman ako ganun kasama.
Even though I'm trying to socialize with them, umiiwas talaga sila.
Not my fault though, basta ako, nag-approach. May mga kaibigan pa naman ako eh.
I looked at my watch and it's already 1 in the afternoon.
Ang tagal naman nun! Napaka-init pa naman kapag ganitong oras, nagcocommute lang kasi ako. Kahit anak mayaman ako, hindi ako 'yong tipo ng tao na sige abuso sa mga naibibigay sa akin.
I want to live as a normal girl.
"Are you Isnia?"
Titingin sana ako ng masama sa taong nagtanong kung ako raw ba si Isnia dahil alam kong siya yung lalaking kanina pa ako pinaghihintay dito but when I looked at him, natameme na lang ako.
"I'm really, really sorry if nalate. So let's talk about your club?"
***
Dali-dali akong pumunta sa room 304 dahil nasabi rin sa akin ni Stella kung saang room siya nag-stay.
301...
302...
303...
"Ate Isnia?"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang pilit niyang mga ngiti, sa kabila man nun, nangingibabaw pa rin ang kanyang kagandahan, especially her hazel brown eyes and her perfect, curly hair.
She immediately hugged me and I hugged her back.
"Tania."
I looked at her, worriedly. Ngumiti lang siya at tumango na tila ba sinasabi sa akin na ayos lang siya.
"Nasaan sila tita?" I asked.
"Nasa States pa sila ni Papa pero uuwi daw sila next week, I guess."
Nasa labas lang kami ng kwarto na may pintuan at nakaukit doon ang numerong "304". I know it is awkward pero kinakapa ko pa rin ang sitwasyon.
Dalawang taon na rin kasi ang nakakalipas.
"Pasok na tayo, ate?"
Tumango ako at kasabay nito ang sunod-sunod na pagdabog ng puso ko.
Hindi ko alam kung dahil ba sa kape, kung oo, then fuck caffeine but I still love coffee.
Binuksan ni Tania ang pinto at nauna siyang pumasok sa silid. I'm hesitating if I'll go inside or step my feet backwards and forget that I heard that news from Stella.
Yes, I think the latter will be good.
Hahakbang na sana ako palabas nang marinig ko 'yong boses na iyon.
"Tania, pauwi na raw ba sila daddy?"
Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Fuck caffeine, fuck caffeine!
Dali-dali akong pumasok sa kwartong iyon at nakita ko siya. Hindi na siya kasing gwapo gaya ng dati but still, he's handsome.
Isnia naman! Kung anu-ano pa ang iniisip mo, nasa ganitong sitwasyon ka na nga!
Nagtama ang mga mata namin. At sa mga oras na iyon, tila ba kaming dalawa na lang ang tao sa kuwartong iyon.
Ngumiti siya at gaya ng dati, like a contagious disease, nahawa ako doon at napangiti rin.
"My name's Jared nga pala. Jared De Guzman."
"Isnia, long time no see."
BINABASA MO ANG
Go Back: Conversations Over a Cup of Coffee
Novela JuvenilFirst love never dies. Kasabihan na hindi na pinaniniwalaan pa ni Isnia Montemayor pagkatapos ng ilang taon na pag-iyak at pag bangon. Ngunit sa isang iglap, babalikan muli ni Isnia ang nakaraan na nagpa-iyak at nagpahirap sa kanya. At iyon ang nak...