II

29 2 0
                                    

Chapter 2

"My name's Jared nga pala, Jared De Guzman."

Tiningnan ko ang kamay niyang tila nagsasabi na makipag-kamay ako sa kaniya. Umangat ako ng tingin at nakita ko ang mga ngiti sa kaniyang labi.

Ngingiti rin sana ako pero inirapan ko na lang siya. Umayos ako ng upo at maya-maya pa'y narinig ko ang tawa niya.

Aba?! How dare you?! Pinaghintay mo ako dito tapos tatawa-tawa ka lang jan?! Pasalamat ka, kailangan ko ng tutulong sa akin sa club ko.

"I said I'm sorry, Isnia. Medyo traffic lang kaya ayun," he said while smiling at me, a smile with a hint of shyness in it.

Traffic? Such a lame excuse. Quota na 'yang dahilan na yan eh.

"Cross my heart..."

"Hope you die?" sabi ko na may bahid ng pagkamataray.

He laughed.

What the heck? Anong nakakatawa? Confident akong hindi ang mukha ko ang nakakatawa kasi maganda ako!

"Natatawa ako sa reaction mo. Anyways, let's start talking about your club," he said while looking at me.

Nakipagtitigan ako sa mga mata niyang tila ba nanghihigop...

Ano ba, Isnia?! Oo, gwapo ang nasa harapan mo pero wake up, ang club muna bago ang harot.

Wait, did I just admit na gwapo 'tong Jared na 'to?!

Napatigil ako sa mga iniisip ko nang marinig kong tumikhim si Jared.

"May sinasabi ka?" sabi ko while smiling, trying to maintain my posture para 'di mahalatang nawala ako sa right state of mind ko.

Ngumiti siya at nagsalita, "Ang sabi ko, maganda sigurong may mga codenames ang magiging members ng Philo club mo, since ikaw ang founder, your codename will be Socrates."

***

Tumikhim si Tania at napatingin ako sa kanya dahil dun.

Kita ko sa mga mata niya na inaasar niya ako, like what? Malamang, may mata ako at titingnan ko ang kuya mo!

"Sige, maiwan ko na kayong dalawa, kuya. Baka matuloy ang naudlot..."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

Ang batang 'yon talaga!

Mas lalo akong napasimangot nang narinig ko ang tawa ng natira na tao dito sa silid.

"May nakakatawa?!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Umiling-iling siya, "Wala, wala. Hindi ka pa rin nagbabago, ano?"

"Hindi naman sa lahat ng oras, required na magbago ako. Buhay ko 'to, hindi ako nag-aapply sa isang trabaho na may requirements na baguhin ko ugali ko at 'yong ako. Kahit hindi na tayo, that doesn't mean na kailangan kong magbago kasi nawala 'yong 'tayo', Jared." I said and I smiled bitterly.

Hindi pa rin nawala ang ngiti niya sa kanyang labi, umayos siya ng upo at tinapik niya 'yong space sa kama niya.

"Umupo ka dito, tagal nating 'di nagkita eh."

***

Nasabi ko bang last year ko na sa college? And yes, ngayon lang naaprubahan 'tong Philo club ko since wala rin namang Philo na course dito sa university na pinapasukan ko.

Wala lang, since I'm a lover of wisdom, gusto kong magkaroon ako ng grupo o samahan na lover din ng wisdom like me on my last year on this university.

"Socrates."

Napasimangot ako nang makita ko kung sino 'yong nagsalita.

"Sinabi ko nang Isnia ang itawag mo sa akin kapag nasa labas tayo ng school, 'di ba?" sabi ko at inirapan siya.

"Eh sa gusto kong tawagin kang Socrates, sige, call me Plato."

Since siya ang naging vice president ko sa club and siya rin ang tumulong sa akin para mapromote 'tong club sa university, kinuha niya ang pangalang Plato, considering na si Plato ang sumunod sa mga yapak ni Socrates dati.

"Oh."

Napatingin ako sa inaabot niya sa akin at nakita kong kape iyon.

"Titingnan mo na lang ba? Baka lumamig yan."

Umiling ako, "Hindi ko iniinom kapag-"

"Hindi Caffé Americano?"

Napatingin ako sa kanya, asking him how did he know using my face.

"Napansin ko kasi na 'yan ang order mo noong unang beses tayong nagkita, 'wag kang mag-alala, kung anong inorder mo that time, 'yan 'yon."

Tinanggap ko ang hawak niyang kape at napangiti ako with that thought.

Tumalikod ako dahil nararamdaman kong umiinit ang mukha ko. Am I blushing?!

Iinumin ko na sana ang kape nang may mabasa akong nakasulat dun.

Socratesnia

"Jared!!!"

Paglingon ko sa likod ko ay nawala na 'yong kaninang kausap ko dito.

Papakiligin mo ako tapos babawiin mo rin? The heck.

***

Nandito ako sa tabi ni Jared ngayon.

And no, hindi ako nakahiga beside him. Nakaupo lang ako because he told me to sit beside him.

I'm not being defensive, I'm just saying what's fact.

"Balita ko, magiging tagapagmana ka na raw ng mga kompanya ninyo ha."

Napatingin ako kay Jared at umiwas din ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Ah, oo," 'yon na lang ang nasabi ko kasabay ng pagtango ng aking ulo.

Katahimikan.

After I answered his question, silence made its way between us.

"Kunin mo 'yang nasa table."

Napasimangot ako nang marinig 'yon. Aba? Inuutusan ako?

"H'wag ka ngang sumimangot diyan, kunin mo na lang."

Tumayo ako at pumunta sa table.

Alam kong kape iyon nang makita ko 'yong mismong baso.

Nabasa ko kung ano ang nakasulat at biglang kumirot ang aking puso.

Socratesnia

Pinipilit kong pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ayaw kong ipakita uli sa kaniya ang mahinang ako.

"Caffé Americano, gaya ng gusto mo."

At 'yon na nga, tumulo na ang luha sa isa kong mata.

Inhale.

Exhale.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at humarap sa kanya. I need to maintain my posture in front of him.

And there he is, lying on the bed, smiling at me.

I knew from that very moment that the world stopped moving.

And it is hell.

Go Back: Conversations Over a Cup of CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon