Chapter 5

722 90 938
                                    

"Foul ulit? Sakit naman niyan, Lance!"

Lahat kami ay seryosong nakatingin sa dalawa habang naglalaro. Lance picked tails, but the coin landed on heads kaya nanalo si Cian, pero pinauna niyang tumira si Lance. Wala akong ideya sa nine-ball but Bryce managed to explain the game to me kaya kahit papaano may naintindihan ako.

"Kapag naka-isang foul pa si Lance, panalo na si Cian, 'no?" Tanong ko kay Bryce habang naka-akbay sa kaniya.

"Oo, bro. Mukha ngang talo na tayo nito, e. 5k pa naman pinusta ko. Lagot nanaman ako sa nanay ko."

5k? Ampucha, nahiya 'yong five-hundred na pusta ko.

Cian positioned himself, still holding the cue stick. He shifted his gaze towards me before hitting the cue ball. Pumasok naman kaagad 'yong bola sa pocket kaya naghiyawan 'yong mga team Cian.

A wide smirk hinted on Cian's lips. Yabang.

"Bruhhh! You see that? Haha!" pagyayabang niya habang nakatingin kay Lance.

"Iyak, Lancerio! Hahaha!" panunukso ng isang kasama ni Cian.

"Pft! Lakas talaga mang-asar nitong si Kino, haha!" said Bryce.

Tumawa din 'yong babaeng kasama ni Cian. Kanina ko pa iniisip kung sino siya dahil sa pamilyar niyang mukha. Hanggang sa maalala ko na siya pala si Sandria, 'yong tinatawag na 'Sandy' ni Iyah.

Ewan ko kung bakit kanina pa siya tumitingin sa akin, pero feeling ko girlfriend siya ni Cian dahil kanina pa sila sweet.

"Haha! Bad shot, Cian!" Felix yelled, the spotter of the game. 

Lance raised his middle finger to Cian, laughing.

"Last foul, dude. You dead, haha!" Cian responded.

Si Lance na ang susunod na titira. He positioned the cue stick, closing his left eye. Pinipigilan ko ngayon ang paghinga ko hanggang sa tirahin niya 'yong bola. Pati ako nadadala sa laro nila, ampucha.

"Yahooo!" Umapir sa akin si Bryce matapos sumigaw dahil successful 'yong tira ni Lance.

Malamig sa loob ng 4th Range, pero ramdam ko ang init na dulot ng kanilang laro. Hindi ko na rin alam kung anong itsura ng mukha ko dahil nadadala ako sa mga hiyawan ng magkaibang team. Cian's team are wild—puro sigaw at panunukso kay Lance tuwing hindi niya naipapasok ang bola sa pocket.

"One shot, Chaser!" Sandria shouted.

"Lance, anong meaning ng one shot?" I asked, still looking at Sandria.

Lance explained, "May sequence kasi kaya nag-umpisa silang tirahin 'yong mga mababang numero. Tignan mo 'yong number five, halos magkatabi na sila ng nine. If Cian manages to pocket both the 5-ball and the 9-ball in one shot, he wins the game."

I slowly nodded my head. Sana hindi niya maipasok.

Bryce spoke again, "Mukhang talo na si Lance."

"Eh? Bakit naman?"

"Kaya nang tirahin 'yan ni Cian," said Bryce, looking at them sharply.

Cian licked his upper lip as he grabbed the billiard chalk. Mukhang nag-iisip siya ngayon kung paano ipapasok 'yong dalawang bola ng sabay.

"Tirahin mo na, Cian!" 

"Mukhang talo na si birthday boy!" sigaw din ng iba.

Bryce squezzed my left hand. "Saint, mas nakakakaba 'to kesa dakdak ng mommy ko tuwing uuwi ako, haha!"

Umiling lang akong natatawa bago ibinalik ang tingin kay Cian. I bit my lower lip, showing the frustation of my face. Sana manalo si Lance, sayang 'yong pusta ko kapag natalo siya. Pangdagdag na rin 'yon pambili ng bagong sapatos, hehe.

Chanted Hearts (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon