Chapter 1

4.1K 232 617
                                    

"School of Emirates? Sure ka, dre? Iiwan mo na ako? Don't tell me nagsasawa ka na sa pagmumukha ko?"

I'm not sure if Tyler is faking the tone of voice dahil mukha talaga siyang malungkot ngayon. Akala mo nawala lahat ng babae sa buhay niya o na-ban lahat ng porn sites sa bansang 'to dahil sa pag-iinarte niya.

"Huwag mo na akong tanungin kung nagsasawa na ako sa pagmumukha mo kasi baka masaktan ka lang. Magkikita pa naman tayo, dre. Dalawang oras lang biyahe," sagot ko.

"Tanga, seryoso kasi! Ano ba trip mo bakit ka lilipat diyan? Ayos naman sa Northwestern, ah? May kaaway ka ba kaya ka lilipat? Sabihin mo dali, ako na susuntok."

We were having a video call. Pinaglaruan ko lang ang straw ng bubble tea habang natatawang nagpaliwanag sa kaniya. Ayoko naman talagang lumipat ng university kaso wala akong choice dahil 'yon ang gusto ni Mommy. Supportive naman siya sa lahat ng desisyon ko, kaso wala akong karapatang humindi kapag siya ang unang nagdesisyon. At isa pa, may karapatan daw siyang pumili dahil siya naman nagbabayad ng tuition ko. Doon pa lang talo na ako.

"Uy, I can't live without you, dre. Huwag ka nang lumipat. Kausapin mo nalang dad mo, malakas ka naman sa kaniya."

"I can't live without you, ampucha. Nakapag-enroll na ako kaya hindi na ako puwedeng mag back-out. After 2 weeks na pasukan, baka gusto mong itali at posasan ako ng mommy ko? Kilala mo naman 'yon."

"Shet! Pulis nga pala si Tita. Teka, sakto hindi pa ako nakakapag-enroll."

"Tapos? Ano balak mo?" I paused drinking, waiting for his response.

"Count me in. Bahala na, dre."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Lilipat na rin ako, alangan iiwan mo akong mag-isa rito, hindi puwede 'yon. Hindi mo nga ako sinabihan na nandiyan ka na, e. Sakto magshishift ako ng course, puwede kong gamiting alibi 'yon. Talino ko, 'di ba?"

"Pft! May gusto ka siguro sa akin kaya hindi mo ako maiwan, 'no?" biro ko.

"Ulol! Kung babae ka puwede pa, kaso pareho tayong lalaki at may etits kaya huwag nalang. Ayoko sa etits, mayroon na ako, dre. Hindi ko na kailangang makakita pa ng dalawa baka bangungutin ako."

"Hay nako. Huwag mo na subukang mag-enroll doon, Ty. Emirates is very strict. Nabasa ko rules nila, ang sakit sa mata, dre. Siguro kaya rin ako gustong pumasok doon ni Mommy. Another boring place for me, sigurado 'yan. But fuck it, dre. No choice, e."

"Sa bagay, pero wala akong pakialam sa rules na 'yan. Katatapos ko lang i-check 'yong page ng Emirates sa internet. Anak ng! Ang daming magaganda kaya magpapa-enroll na ako this week," nakangisi niyang tugon.

"Hayup ka, basta talaga babae, on the run kaagad 'yang etits mo. Little Tyler is smiling and waving!"

"Little? Haha! Baka nakakalimutan mo? Nakita mo na 'to kaya alam mong hindi 'to little, saka alam mo namang-"

Binabaan ko kaagad siya dahil alam kong mas malala pa susunod na sasabihin niya. Sinukat ko nalang 'yong bagong kuha kong uniform saka tinignan sarili ko sa salamin. Shet, ang pogi ko talaga.


Napatigil ako sa pagtanggal ng necktie dahil sa biglang malakas na pagkatok. "Saimon, kakain na.. ay pak! Ang guwapo naman nitong pamangkin ko. Dugong Montave ka talaga," sabi ni Tito saka ginulo buhok ko.

"Thanks, tito. Susunod ako sa baba, palit shirt lang, hehe."

Napabuntong hininga nalang ako sa pagtawag niya muli ng 'Saimon'. Ang laki ko na pero 'yon pa rin tawag niya sa akin lalo na si dad. Mukha raw kasi akong salmon noong bata pa ako kaya 'yon naging nickname ko.

Chanted Hearts (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon