Chapter 3

955 104 1.3K
                                    

"Alam mo, Ty. Ikaw na talaga pinaka demonyong nakilala ko! Minsan iniisip ko baka si Satanas nagluwal sa'yo."

Tyler passed me the bottle of water, laughing.

"Sorry na, dre. Nalito lang talaga ako sa kanan at kaliwa. Akala ko kasi kay Klaus 'yong—"

Agad ko siyang pinalo sa ulo gamit 'yong bote ng tubig. Sinusubukan pang makalusot, e. 

"Mga pangalan ng mga porn actress hindi ka nalilito, tapos sa kanan at kaliwa mo, confused ka? Mga palusot mo e, 'no?"

"May susunod na klase pa pala ako, dre." rason niya sabay suot ng bag.

"Sinong may paki?"

"Pft! Mauuna na ako, ha? Huwag mo na akong hintayin mamayang lunch kasi magre-register pa ako sa music club. Kailangan na nila ako roon!" taas-noo niyang sabi.

"Share mo lang?"

Nakaharap siyang naglakad palayo habang natatawa, hanggang sa may itinuro siya mula sa likuran ko.

"Uy, dre! Si Klaus, tawag ka."

Napalingon kaagad ako sa likuran.

"Nasaa—"

Ampucha, scam! Wala naman si Klaus.

Natatawang tumakbo si Ty at dinilatan ako. Woah! Kalma, Saint!

I let out a sigh and put the notebook inside my bag. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan baka kanina ko pa siya nasuntok. Hindi niya lang alam kung anong klaseng kahihiyan inabot ko kagabi dahil sa sinabi niyang sa kanan daw 'yong kama ni Klaus.

Mabuti nalang at umalis kaagad si Klaus kagabi. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero nang maalimpungatan ako, kararating lang niya. Around 1 am na siguro nang oras na 'yon. Saan kaya siya nagpunta? Hindi ko rin siya naabutan kanina, mukhang maaga siyang umalis. 

I changed into something more comfortable for the tryout: a white t-shirt and black jogger shorts that matched white sneakers. I wore my glasses today, though my eyesight isn't that bad.

My hair is neatly styled with a slight wave. People often say I have feminine features, and I can see why. My face has a delicate, well-defined shape with high cheekbones, giving me a soft, approachable look. My eyes are gentle and warm. They're slightly almond-shaped, framed by long, dark lashes. I don't use any lip products, but my lips are naturally pink.

Tumingin ako sa salamin saka inayos ang buhok. Ahoy! Ang pogi mo talaga, Saint!

I went inside the gymnasium and scanned the whole crowd. Wala pa sina Klaus dito, lalo na si Iyah. Nasaan na kaya siya? Kinuha ko kaagad ang phone ko saka hinanap ang number niya. Napangiti na lang ako sa inilagay kong pangalan niya.

'Sweet Iyah'

Pft, gaano ba siya katamis?

Me:
Hi, sis! Where are you? This is Saint.

Fuck, no. Baklang bakla, ampucha.

DELETE. DELETE.

Me:
Hey, this is Saint. Wru?

After a few minutes, she replied.

Sweet Iyah:
OMG! Hi! Kalalabas ko lang ng condo. I just got my car eh. Nasa gym na u?

Me:
Yeah, hindi pa naman nag-uumpisa meeting. Drive safe, okay?

Sweet Iyah:
Nice! Thank you! See yah ♡

Napatingin ako sa kaliwa nang marinig ang sigaw ng ilang babae habang nakatingin sa direksyon ko. Kalma, girls! Ako lang 'to!

Hanggang sa makita ko si Klaus. He's walking in a cool way, wearing a black shirt with minimalist design. Nakatupi 'yong dalawang manggas ng t-shirt niya kaya kitang kita hubog ng muscles niya. Nakasuot ulit siya ng sports nike headband. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang itim na jogger pants.

Chanted Hearts (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon