Chapter 6

728 100 1K
                                    

Author's Note:
Don't forget to vote and comment! Madaming mangyayari sa chapter na 'to, haha. Iyong video sa taas 'yong i-peperform ni Tyler mamaya. ♡

***


"You're five minutes late, Saint Montave," said Ty, crossing his arms.

"Psh! Hindi mo bagay, last mo na 'yan," I answered as I took another step.

He responded a loud laugh, he then threw his white adidas baseball cap in the air and brushed his hair using his fingers before he wore it, backwards.

I scanned his outfit, he's wearing a black rounded collar metallica shirt, his favorite band. Tattered denim jeans matching his cool converse kicks. His silver necklace made him look cooler.

"Kinakabahan ako, dre. Ang dami pa namang babaeng nanunuod." He fixed his cap. "Pogi naman ako ngayon, 'no?"

"Ampucha, ano ba talagang priority mo? Mukha mo o performance mo?" natatawa kong tanong.

"Sagutin mo na lang! Pogi ba?" ngising aso niya tanong.

I rubbed my chin. "Sakto lang."

He pouted. "Kaibigan ba talaga kita? Kaya nga kita pinapunta rito para suportahan ako. Come on, Saint. Kahit plastikan lang, para lalong tumaas confidence ko, hehe."

"Masyado nang mataas, dre. Ayoko nang dagdagan." I teased and sat next to him. "Anong i-peperform mo?"

"Secret." He laughed. "Compliment muna dapat bago ko sabihin."

I cleared my throat and stared at him. "Grabe, Tyler. Napaka-pogi mo ngayon!" I cupped his face. "Ikaw ba talaga 'yan? Akala ko artista, ampucha. Paselfie naman, o. Sobrang pogi ng kaibigan ko, grabe!"

He slapped my shoulder, laughing. "Sobrang kaplastikan naman 'yan, Saint!"

"So.. ano nga i-pe-perform mo?" 

He bit his guitar pick. "Enter Sandman ng Metallica. Matik 'yan, dre. Dapat nagdala ka ng pom poms para i-cheer ako, pabinyag naman sa pagiging cheerleader mo, haha!"

I kicked his foot. "Wala pang result, gago. Videohan na lang kita mamaya."

Biglang pumasok sa isip ko si Klaus dahil naghahanap siya ng bassist. Ewan ko kung nakausap niya na si Ty, wala namang nababanggit 'tong kupal na 'to sa akin.

"Ty..." I continued. "About pala sa nabanggit ko sa'yo na may naghahanap ng bassist, nagtext na ba sa'yo si.. Klaus?"

Napatigil siya sa paggamit ng phone niya. "Ay si Klaus ba 'yon? Wala pa naman siyang text, puro babae nasa inbox ko, e. Baka naman scam 'yan?"

"Scam, ampucha. Huwag ka ngang ganiyan kay Klaus."

He stared at me weirdly. "Awit. Anong mayroon? Close na kayo niyan? Baka mamaya ipagpalit mo na ako, ha."

Sasagot na sana ako, ngunit tinawag siya ng isang babae. Siya na raw ang susunod na magpe-perform. Tyler tapped my shoulder before he walked to the stage. Tumabi na lang ako sa mga babaeng naghihiyawan habang sinusundan siya ng tingin.

He tapped the mic and smiled nervously.

"Hi, fans." He started, laughing. "Tyler Archavez nga pala. 2nd year, Engineering, hehe." Naghiyawan 'yong mga ibang babae kaya kumaway siya sa kanila.

Inayos niyang isuot sa balikat niya 'yong bass guitar bago ulit magsalita. "I chose Enter Sandman by Metallica, sana magustuhan niyo."

Pagkapwesto niya sa gitna, sinimulan na niyang tugtugin ang gitara. Tyler bit his lip as he pressed his fingers on the strings. The deep sound of the bass filled the whole place. Halos mabingi ako sa tili ng mga babae—ang ilan ay sinisigaw kung gaano siya kagaling, habang ang iba naman ay humahanga sa kanyang kagwapuhan. 

Chanted Hearts (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon