II

6 2 0
                                    



"Bakit pa kasi ako kasama?" Nagdadabog na sabi sa akin ni Marielle. Gabi na ngayon at kaka-alis lang namin ng school para pumunta sa pinaka-malapit na mall. May kailangan akong bilhin remember?

"Kasi po, ikaw lang naman ang may kasalanan kung bakit 'yon nangyari." Sabi ko pa.

"Excuse me? Anong ako? Ikaw 'tong tatanga-tanga na naglakad palikod, shunga 'to." Umirap ito sa akin at nauna nang maglakad papuntang national bookstore.

Katext ko si Kuya ngayon nagtanong ako kanina mismo bago magsimula ang klase kung ano ano ba ang mga gamit na pinaka-madalas gamit sa pag-gawa ng architectural plates. Nagtakha siya nung una kaya naman tinawagan pa niya ako.

"Ano? Bakit magaarchitecture ka ba? Maaga pa para bumili ah." Takhang tanong niya agad pagka-sagot ko sa tawag niya.

"Hindi naman kuya." Sabi ko.

"Oh bakit ka bibili? Gusto mo ba as hobby? May ipon ka ba? Hintayin mo na lang si Kuya reregaluhan na lang kita ha?" He sounded too sincere and good, alam kong totoo ang sinasabi ni kuya pero ako ang naka-gawa ng damage, besides hindi naman para sa akin ang bibilhin ko eh.

"Hindi kuya, ano, uhm" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil ayoko naman malaman ni kuya na halos nakasira ako ng isang taong may pangarap ngayong araw.

"Ano 'yon?"

"Ano, para 'yon sa kaibigan ko! Oo! Para nga sa kaibigan ko, magbbirthday na kasi siya tsaka future architecture student 'yon!" Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling. Hindi ko man kita ay alam kong tumatango tango si kuya.

"Sige sige, tatanungin ko na lang yung kaibigan ko, alam kong may alam siya sa mga bagay na 'yan, baka mamaya mai-text ko sa'yo yung mga gamit, pero 'wag ka mag-expect na mura 'yon. Kung pang-practice pa lang naman ng kaibigan mo pwede namang magandang sketchbook muna at charcoal pencils, 'wag muna 'yung masyadong mahal."

"Kuya! Hindi! Uhm, basta kung ano talaga 'yung gamit bg architecture student. Kasi... uhm... gusto ko ako ang magbibigay sa kanya no'n para sa future course niya." Gosh! Ang lame ng reason ko!

"Okay okay, ikaw bahala, sige na ibababa ko na 'to ingat ka jan."

"Bye kuya, thank you and I love you! The best ka talaga!" His laughter roared from the other line kaya bago ko pa maipahiya sarili ko ay in-off ko na ang tawag, aasarin na naman ako no'n eh, lugi ako.

"Maghintay ka naman Marielle!" Napa-iling na lang ako at nag-jog para maka-sabay sa mabilis na lakad niya. Alam kong halos mabaliw na siya sa test sa Basic Cal kanina tapos sinama ko pa siya agad agad pagka-tapos ng klase.

Kinuha ko ang cellphone ko ulit sa bulsa nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito. May text doon galing kay kuya, ito na yung mga gamit na tinatanong ko kanina sa kanya. Sinilip ko ito at iilang bagay lang ang pamilyar ako.

"Good evening." Bati ng guard sa amin na halatang sinisipat ang uniform namin. Kahit naman school days ay nakakapasok kami sa mall na 'to dahil ewan, may unsaid rule yata dito, ewan basta ganon.

"Bilisan mo na lang mamili nanggigigil pa ako sa test kanina." Naka-ngusong sabi ni Marielle sa akin at tinulak papalapit ang isang maliit na push cart.

"Oo na po." Tumawa ako pero sa loob loob ko ay kinakabahan ako sa laman ng wallet ko. Nakapag-ipon ako, oo. Pero nakakatakot naman dahil hindi naman ganon kalaki ang naipon ko. Para sana ito sa pagtreat ko sa sarili ko pero bahala na nga.

Pumunta ako sa may paper section at pinakita na lang ang listahan, may inabot siya sa akin na mukhang malaking papel na naka-rolyo, kumuha rin ako iilang lapis na nakikilala ko, at ang iba pang nasa listahan na kaya ko lang, dahil nakaka-lula naman ang presyo nito, iyong papel, tatlong lapis at tatlong iba pa eh namumulubi na ako kaya naman dumiretso na ako sa counter. Bumili rin kasi ako ng box kung saan ko ito mailalagay, baka kasi hindi 'yon sumipot bukas basta hindi ko na kargo de konsensya 'yon sinabi ko sa kanya na papalitan ko ang nasira ko dahil hindi ko naman maayos 'yon. Why am I making a big deal out of this? Kasi nga alam na alam na namin ni kuya kung ano nadadala ng unforgiveness at ng mga nasisira.

NLM Series 1: InertiaWhere stories live. Discover now