V

1 0 0
                                    



"Pakopya naman ako!" Paulit-ulit kong naririnig mula sa mga kaklase kong nagsisi-datingan na kanya-kanya ang upo sa sahig sa may hallway at sa may lounge area. Habang ako naman ay tahimik na naka-upo sa isang sa mga bench sa lounge.

Kanya-kanya sila ng labas ng yellow paper at ballpen. Assignment sa Stats and Proba. No one dares to ask for my assignment, nag-simula 'yan nung first sem. One of my classmates approached me in a super jolly and hyper way of asking to copy my assignment. Kaso, I declined, I told him na pwede ko naman siyang turuan but he insisted na kokopya na lang daw siya, he said na if magpapa-turo pa siya ay it will take longer than the time na kokopya lang siya. So, I declined him na talaga, hindi niya siguro nagustuhan ang way ng pagkakasabi ko kaya ayun nagalit yata? I mean, I'm not sure since we are civil naman.

Isa siguro 'yun sa mga rason kung bakit wala rin masyadong nakikipag-close sa akin sa room.

"Lianne ito paano 'to?" Of course, maliban na lang sa babaeng nasa tabi ko. Marielle.

"Marielle sabi ko 'wag kang malilito sa Mean at sa Median, magka-iba ang dalawang 'yon." I told her as I slightly encircled using a pencil ang lugar kung saan siya mali. She quickly scanned her notes at kinuha ang notebook niya sa akin.

"Santiago! Kumopya ka na lang dito!" Napa-lipat ang tingin namin ni Marielle sa tumawag sa kanya. Nilingon ko siya at nakita kong umiling siya dito.

"Hindi na, inaaral ko pa eh." She shifted her gaze to me and smiled before she continued answering her paper.

I shook my head and continued looking around. Stats and Proba is not a hard subject for me, it is a breather if you'll ask me. Madali lang ito para sa akin, pero I am fully aware naman na hindi lahat ng tao eh pare-pareho ang learning capacity. Tulad ko, nadadalian ako sa stats and proba na math, pero challenging para sa akin ang Basic Cal kahit math rin ito.

"Bilisan niyo na guys, 20 minutes na lang dapat nasa box na 'yan sa labas ng faculty ni ma'am. Aakyat pa ako." Our president reminded. I have no worries, nandoon na ang papel ko at wala na akong dapat na alalahanin pa.

"Bakit kasi ganito ang schedule natin." Marielle is oh so whiny kapag ganitong araw.

Ang schedule kasi namin ay trenta minuto lang ang gap ng dalawang oras ng stats and proba tapos dalawang oras ng basic calculus. Dalawang Math sa isang araw.

"Kaya mo 'yan, tumahimik ka na lang jan at makinig kay ma'am para hindi ka malito." She just then nodded.

The day ended peacefully, wala namang dapat aralin at problemahin ngayong araw kaya kampante akong bumababa ng hagdan, tomorrow is the last day of our foundation week, pero para nga naman sa amin ay parang normal school week lang rin, additional na rito ang dagdag ingay at tao sa main.

"Palakpakan naman jan!" Napaadaan ako sa student park at mukhang may battle of the bands. Simula nung first day laging meron galing sa iba't ibang colleges. Sa College of Engineering and Architecture yata ngayon dahil kulay green ang set-up ng stage. Dapat talaga sa pagkaka-alam ko eh every year noon ay nag-iiba iba ng kulay ang bawat colleges para sa theme nila pero dalawang taon na daw mula noong ginawa nila itong permanente.

I looked at my wrist watch, it's only quarter to eight. Maaga kaming dinismiss sa klase.

"Next band na ba agad tayo?" Hiyaw ng host mula sa itaas. Sumigaw naman ang mga audience, bahagyang naging malikot kaya mabilis akong nahatak papaloob sa kumpulan ng mga tao.

NLM Series 1: InertiaWhere stories live. Discover now