Chapter 6

3.4K 107 11
                                    

Abby POV

Ang bilis ng araw parang kailan lang simula nung pag uusap namin ni dane pagkatapos nun palagi na kaming magkasama at unti unti na akong nahulog kay dane alam kong masyadong mabilis pero anong magagawa ko sa bawat araw na nakakasama ko siya naging masaya ko kahit na minsan ang cold niya

Kung pwede nga lang turuan ang puso na wag muna tumibok kaso di ko magawa eh kaya ngayong magkikita kami ni dane sa garden aamin na ako sakanya mejo marami rami ring estudyante ang naririto sa garden kaya pinag iispan ko kung dito ba ako aamin o ano aytsss bahala na nga mamaya

"oh dane nandito ka na pala" sabi ko

"hindi wala pa ako dito hologram ko lang toh" pilosopo niya pang sagot kaya natawa naman ako ayan isa pa yang pamimilosopo niya dati tahimik at cold siya pero ngayon iba na pero pag kami lang dalawa ang magkasama pag anjan kasi sila jess tahimik lang siya

"tara upo tayo dito sa ilalim ng puno" yaya ko sakanya agad rin naman siyang umupo sa tabi ko tahimik lang kami ng kaupo

"sabi mo kanina may sasabihin ka, ano yun?" shocks ito na kinakabahan ako wahhhh author please help me

(A: aba bala ka diyan)

Ang daya huhuhu kinakabahan na talaga ako

"abby?"

"ahmmm...ano... Kasi... Ah...shocks pano ba to"

"abby umayos ka nga" natatawang sabi niya

"dane alam kong masyadong mabilis pero sa bawat araw na magkasama tayo unti unti na ako nahulog sayo pinigilan ko pero huli na dane na hulog na ako  " tumahimik naman siya at biglang naging cold yung awra niya kaya mas lalo akong kinabahan

"dane?" kinakabahang tawag ko sakanya kasi hanggang ngayon di pa rin siya nagsasalita

"hon!" biglang sigaw ng isang lalaki teka sino tinatawag nito

Lumapit yung lalaki kay dane at ang mas lalong nagpagulat sakin ng bigla siyang halikan ng lalaki sa labi shit totoo ba tong nakikita ko nanaginip lang ako diba please wake me up

"hon siya ba yung tinutukoy mo?" tanong nung lalaki

"dane kaano ano mo siya?"naguguluhang tanong ko

"I'm Zachary"

"Abigail, kaano ano mo si dane" alam kong mejo tanga yung tanong ko pero di ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni dane

"he's my boyfriend" plain na sagot ni dane di ko alam kung anong irereact ko sa sinabi ni dane shit ang sakit naman tumingala ako para pigilan ang nag babadyang luha ko

"ah g...ganon ba dane bat di mo naman sinabi na may boyfriend ka pala" pinigilan kong wag mautal wag pumiyok at wag tumulo ang luha ko

"ah hon mag usap muna kayo ng kaibigan mo pupuntahan ko lang kapatid ko" sabi nung Zachary saka hinalikan si dane sa labi kaya napaiwas ako ng tingin

That Nerd Is Mine (GXG) (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon