Chapter 9

2.6K 78 10
                                    

Abby POV

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko bumaba na rin ako. Kung diko pa nasasabi sainyo sa second floor ang kwarto ni dane ganun din kela ash at jess habang yung kambal at si blaire sa may first floor naman

Pagkababa ko binati ako ng ibang mga kasamabahay grabe ang ganda talaga dito pero teka asn na kaya si dane paglabas ko lasi ng cr wala na siya sa kwarto. Naputol ang pagiisip ko ng makita ko si manang esmi

"magandang umaga iha " sabi ni manang ngumiti naman ako sakanya

" magandang umaga rin po manang, asan po pala si dane"

"nagpaalam sakin kanina na lalabas lang daw siya"

"ganun po ba, sige ho titignan ko lang po ang mga kasama namin" paalam ko kaya tumango naman sakin si manang

Inuna kong puntahan ang kwarto ng kambal. kumatok ako pero  parang tulog pa ata. Sunod kong pinuntahan si blaire gising na siya at nag aayos na ng sarili si jess at hannah naman bumaba na

Lumabas muna ako ng rest house at nagpunta sa may pool. Umupo ako sa may gilid saka ko nilublob ang mga paa ko di naman ganun kalamig ang tubig sakto lang

"hey bat andito ka" napalingon naman ako nagsalita si dane pala

"kasi wala ako doon" pabiro kong sagot pero inirapan niya lang ako

"tsk" singhal niya tapos umupo sa tabi ko at katulad ko nilublob niya rin ang mga paa niya sa pool

"sorry nga pala" biglang saad ko lumingon siya sakin at tinaasan lang ako ng kilay

"sorry kung nasipa kita....hmmm masakit pa ba?"

"it's okay may carpet naman sa kwarto ko kaya di naman ganun kasakit ang pagkakabagsak ko" sabi niya pero nakatulala parin ako

"hey are you okay"

"nag i-improve kana dane"wala sa sariling saad ko

"What?"

"ang haba ng sinabi mo dati kasi ang tipid mo"

"seriously abby" parang di makapaniwala sa sinabi ko

"bakit totoo naman ang cold cold mo kasi minsan nga iniisip ko na pinaglihi ka ng mama mo sa ice cream at yelo dahi ang cold mo"

"ako rin minsan iniisip ko na baka pinaglihi ka rin sa pwet ng manok at putak ka ng putak" sabi niya saka tumayo na sa pagkakaupo at deretsong naglakad papuntang rest house

Ilang minuto pa ako sa may pool bago naisipang pumasok na sa loob, nakita ko silang nasa may dining at naghahanda ng makakain namin

"oh abby anjan kana pala halika na rito kumain na tayo mamaya maya mag sisimula na tayong lumakwatsa" sabi ni blaire agad naman akong nagtungo papunta sakanila at tinulungan sa pag aayos

That Nerd Is Mine (GXG) (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon