Chapter 15

1.9K 58 20
                                    

Abby POV

"babyboo date tayo mamaya" bulong sakin ni dane nandito kami ngayon sa room hinihintay si prof

"okay baby ko" nakita kong nakatingin si jess samin at nakakunot ang noo pero binalewala ko lang yun

Habang nagbubulungan kami nakita kong paparating si prof kaya agad kaming nagsi ayusan

"okay class we have a new transferee" sabi ni prof kaya agad naman nagbulong-bulongan ang iba

"prof pano nagkaron ng transferee eh nasa kalagitnaan na po ng school year" kaya nga pano yun eh nasa kalagitnaan na ng school year pwera na lang kung may connection ang mga pamilya mo kayla dane

"may problema ba tayo sa transferee ms.revilla?" tanong ni prof sa kaklase namin

"wala naman po prof" sabi niya saka na upo na ulit sa upuan niya

"kaya siya nakapag transfer dito dahil ang magulang niya ang isa sa mga stock holder dito" sabi ni prof natahimik naman kami tumingin ako kay dane nakita kong naka-kunot ang noo niya

"pumasok kana mr.del mundo" pumasok naman ang isang lalaking matangkad maputi rin siya at kulay abo ang kanyang buhok

"Mike Zion Del mundo, 18 years old nice to meet you all" sabi niya saka nilibot ang paningin sa buong room na parang may hinahanap huminto ang paningin niya kay.....Dane?

Kaya naman tinignan ko si dane wala kang makikita expression sa mukha niya napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya lumingon siya sakin at ngumiti pero alam kong yung ngiti niyang yun di katulad ng dati hanggang sa mata

"ayos ka lang?" tumango lang siya at bumalik ulit sa harapan ang tingin kaya yumingin na rin ako sa harap

"maupo kana mr.del mundo" sabi ni prof, kaya nagtungo siya papunta sakin kaya nagtaas ako ng kilay

"hi I'm Mike---"

"sinabi mo na kanina pangalan mo sa harapan" sabi ko sakanya

"ang sungit naman nito" rinig kong bulong niya

"may sinasabi ka" sabi ko sakanya habang nakataas ang kilay

"ah wala, ahm pwede bang jan na lang ako sa upuan mo" sabi niya saka kumamot sa batok niya

Anak ng tokwa ang kapal ng mukha nito di maghanap ng sarili niyang upuan ngumiti naman ako ng todo sakanya saka tinuro yung sa likod. May bakante kasi kasi dun

"hehehe ayun oh may bakante pwede ka dun" sabi ko nagseselos kasi ako eh *pout* kanina kasi parang iba yung titigan nila ng baby dane ko

"gusto ko kasi makatabi si dane"

"abby pwede bang duon ka muna sa bakante hayaan mo muna si mike jan" sabi ni daneewan ko bakit pakiramdam ko tinusok ng bilyong bilyong karayom ang puso ko

"ah ganon ba sige" sabi ko saka ngumiti nagpanggap akong nakangiti habang sa loob loob ko nagseselos ako nakita kong nakatingin sakin si blaire kaya nginitian ko rin siya

Discuss lang ng discuss samin si ma'am pero ako nakatingin lang kay dane habang kausap yung mike

"ms.balthazar"

Bakit ganun na lang yung ngiti niya dun sa lalaking yun

"ms.balthazar"

Nagseselos ako dane sana naman makaramdam ka. Napatigil ako sa pag iisip ng may humarang sa harap ko hala si prof

That Nerd Is Mine (GXG) (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon