Chapter 7

2.9K 100 4
                                    

Abby POV

Nandito na kaming dalawa ngayon ni dane sa supermarket pumipili ng mga pagkain na pwedeng baunin. Yung lima kasi nasa dorm nag aayos ng mga gagamitin

"dane hiwalay tayo para mapabilis. Ako bahala sa mga nakalista tapos ikaw na bahala sa ibang pagkain" sabi ko tumango naman siya bilang sagot

Buti nga kanina naka tagal ako kanina sa kotse niya. Sobrang tahimik kasi parang wala akong kasama lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko napansin yung babaeng paparating kaya ang ending nasagasaan siya ng cart ko kaya agad naaman akong pumunta sakanya

"hala sorry miss di ko sinasdya,di kasi kita napansin pasensiya na"

"ang tanga tanga mo naman kasi!" galit na sigaw niya sakin dahilan kung bakit tumingin ang ibang tao

"pasensiya na miss bigla ka kasing sumulpot, pasensiya na talaga please wag kana gumawa ng eksena" nakayuko kung sabi

"aba ako pa ngayon ang may kasalanan ikaw na nga tong nakabunggo sakin, iba ka rin hano" galit na sabi niya. lalo akong kinabahan dahil mas lalong dumadami na ang mga taong na nonood

"pasensiya na talaga miss, pero pareho lang naman tayong may kasalanan diba di rin kita mabubunggo kung nakatingin ka din sa dadaanan mo" paliwanag ko sakanya namula naman ang mukha niya

"arghhhh humanda ka sakin tingin mo palalagpaasin ko toh ikaw na manang ka you ruin my day" sabi niya saka lumapit sa akin at sinabunutan sinubukan ko siyang pigilan pero mas lalo pang humigpit ang pagkakawak niya sa buhok ko at lalo pa nilakasan ang pag sabunot

Naiiyak nako sa saoit ng pananabunot niya sakin feeling ko matatangal na ang anit ko sa pagkakahila umawat na ang iba pero parang wala siyang pake sinabunutan niya parin ako pero napadaing ako lalo ng binalibag niya ko tumama naman ang ulo sa edge ng stante

"bwisit kang babae ka sa susunod kasi wag kang tatanga tanga" sabi niya. Tinayo niya ako at sinabunutan ulit

"miss tama na masakit na please tama na" pag mamakaawa ko pero parang wala siyang narinig. Narinig ko namang inawat siya ng mga ibang tao pero di parin siya nag paawat

"tama na yan miss" dinig kong awat ng isang ali pero di siya nakinig at sinabunutan pa rin ako

"miss tama na yan nabunggo ka lang naman at isa pa humingi naman na siya ng pasensiya, maawa ka naman sa babae" sabi ulit nung ali

Marami ng umawat sakanya pero di parin siya nakinig sakin maya maya may nakita ako isang pamilyar na bulto papalapit saamin

Lumapit ito saamin at tinulak ng malakas yung babaeng nanabunot sakin kaya tumilapon naman ito sa may lapag

"d...d..ane" utal utal na sabi ko dahil pakiramdam ko nahihilot na ako umiikot na ang paningin ko kaya napaupo naman ako sa sahig

That Nerd Is Mine (GXG) (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon