Chapter 1

43 1 0
                                    

"Hi ma'am, pwede ko po bang ma-excuse si Nicolas at si Orense?"

Nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko habang nag-didiscuss si ma'am Castro,yung teacher namin sa Feasibility Study.

Nagtinginan kaagad kaming dalawa ni Orense, yung best friend ko. Parehas yata kami ng iniisip.

"Nicolas at Orense,you may go." tugon naman ni ma'am Castro.

Dali-dali kaming tumayo mula sa silya namin para kausapin si Glady, president ng ABM Society.

"Uy, ano yon?" tanong ko kay Glady.

"Timothy, audition raw kayong dalawa. May gagawin tayong short film."

Sa loob-loob ko, punyeta hindi ba pag audition kami dapat lalapit, hindi kayo?

"Anong role ba namin sa short film kung makakapasa kaming dalawa ni Tim sa audition?" tanong ni Russell.

"Ah, basta mag-audition kayo. Need kasi namin ng representative per section para sa short film. Maglalaban-laban lahat ng strands sa short film." reply ni Glady kay Russell.

At ganon-ganon nalang, biglang umalis si Glady. Di ko rin siya masisisi kasi president siya. Siya laging kumikilos tuwing may gagawin ang strand namin.

"Paano yan Tim bonak ka pa naman umacting?" Pang-iinis sa akin ni Russell nang naka-ngisi. Minsan sarap talagang pektusan neto ni gago eh.

"Bobo ka. Kung bonak ako, paano ka pa Sell?"

"Tanga ka. Sasabihin ko kay Glady na mag-didirektor ako ng short film. May alam naman ako kahit papaano sa cinematography."

Pagka-tingin namin sa labas ng room ay may mga ibang students rin na nasa hallway. Mga students galing iba't ibang section. Sila rin siguro yung hinatak ni Glady para sa short film.

Ilang minuto nalang kasi bago mag break time kaya di na rin kami pumasok pabalik sa room ni Russell kaya dumiretso na kami sa first floor kung saan yung canteen.

Panigurado onti palang mga tao don kasi tatlong minuto pa bago mag-dismiss mga teachers. Lagi kasing dagsaan sa canteen. Hayop, minsan inaabot ng 20 minutes bago ka maka-bili ng pagkain.

"Tim, ano kayang papagawa sa atin sa audition?" tanong sakin ni Russell.

"Aba, malay ko. Basta mag-audition nalang tayo, wala namang mawawala sa atin eh. Tsaka para excuse tayo lagi tuwing may klase. Hahaha!" Sagot ko.

Parehas kami ng bespren ko, gagawin namin lahat ng paraan para ma-excuse sa klase. Parehas naming hindi sineseryoso yung pag-aaral. Minsan nga sabay pa kaming naghu-whole day sa comshop eh! Hahaha! Kaya rin siguro kami mabilis nagka-sundo kasi parehas yung takbo ng utak namin.

Matalino si Russell, sadyang tamad lang tong hinayupak na 'to katulad ko. Kung ano ang kaniyang tinalino, ganon rin yung kaniyang tinamad sa pag-aaral. Haha!

Pagkatapos naming kainin yung binili namin ay umakyat na kami ni Russell pabalik sa room. Napansin nalang namin na naka-bilog na yung mga upuan. Kada isang bilog, isang grupo. Nag-didiscuss na yata mga kaklase ko para sa first chapter ng business plan nila. Nautusan siguro sila ni ma'am Castro na mag-brainstorm na ng mga potential business ideas.

"Hoy, tanga! Kanina ka pa namin hinahanap. San ka ba pumunta?" Sigaw ni Tapis kay Russell.

Si Tapis kasi yung group leader nila Russell sa business plan nila . Isa rin siya sa tropa kong babae sa section namin.  Kung hindi mo kilala si Tapis, mapag-kakamalan mo siyang masungit at handang pumatay. Lagi kasi siyang naka-suot ng earphones tuwing naglalakad sa hallway pero pag nakilala mo sobrang solid kasama at laptrip pa.

Hiraeth For The MoonWhere stories live. Discover now