Chapter 4

18 1 5
                                    

Her anxiety soon turned into confidence and grace as she started walking gracefully. And just like that everybody's eyes were glued to her. She seemed calm and collected as she paced the floor. Every movement is controlled without the slightest hint of uncertainty. She can make almost any man's head turn just with her walk alone. Sobrang effortless. Para bang ginagawa niya na 'to araw-araw.

Napa-awang ang labi ko habang pinag-mamasdan ko siyang mag-lakad. Her face is so seductive, yet pure as her lips rose up to form a smile. Has she always been this way? She's literally a walking head turner. Yung Jamee na una kong nakilala halos di mo mapapansin pag nadaanan mo, but now her aura radiates like that of a strong, independent woman needless of any man to complete her.

She's wearing a dress that perfectly fits her slim body. It still looks beautiful on her even though gawa lang yung dress niya mula sa sako at recycled magazines. The color of her dress fades downward from black to red. May naka-kabit rin doon na mga triangularly cut , silver paper plates sa may abdominal area ng dreaa niya to serve as designs. Meron rin siyang suot na corona with pencils sticking out of it. Siya yung may pinaka-magandang costume without a doubt.

"Thank you po, ma'am!" Pasalamat ng president nila sa teacher namin dahil hiniram nila ang oras ni ma'am.

"Ha? Tapos na pala?" Nagulat kong sabi sa isip ko. Di ko man lang namalayan na tapos na pala. Kanina pa ba ako naka-tunganga doon na parang timang?

Di ako naniniwala sa love at first sight. Pero parang sa love at second sight mukhang malapit na.

"Hoy, Tim!" Sigaw sa tenga ko ni Russell. "Bungol ka na ba? Kanina pa kita tinatawag. Baba na tayo sa canteen bago pa tuluyang dumami yung tao doon. Mahirapan pa tayong makabili nyan dahil sayo eh."

"Ah...S-Sige. Tara na." Pa-utal na reply ko sa kaniya. Hayop. Di ko man lang napansin. Kanina pa pala akong tinatawag ni Russell.

Di ko parin maalis sa isip ko yung nangyari. Mahaba na yung pila nung nakadating kami sa canteen pero bakit ganon parang ang bilis umandar ng pila?

"50 pesos po lahat, kuya." Ani sa'kin ng tindera.

"Po?" Anong sinasabi neto sa'kin?

"50 pesos po ayang inorder niyo." Ulit ng tindera. Mukhang may halong inis na ngayon ang tono niya.

"Ay,sorry po! Eto po ate,oh. Thank you po." Gago. Nahihibang na 'ata ako.

"Tim, wag ka kasing mag-mamarijuana nang dis-oras ng klase." Biro ni Russell sa'kin. "Ano ba kasing hinipak mo? Kanina ka pa wala sa sarili mo ah."

"Ay wala lang 'to. Kinulang lang ako sa tulog kagabi." Pagdadahilan ko sa kaniya.

"Wag ka kasing manood ng kung anu-ano nang madaling araw." Sabay iling ni sa'kin ni Russell. Halatang di naniniwala sa palusot ko.

Lumipas ang ilaw araw at medyo nawala na rin sa isipan ko ang nangyari noong araw na 'yon. Yung business plan namin sa Feasibility Study ang napagtuunan ko ng pansin netong mga araw na 'to. Napag-desisyunan namin ni Leila na humiwalay nalang sa grupo namin kila Aby. Di namin sila naka-sundo, lalo na yung pamamalakad ni Aby sa grupo namin. At tsaka ayaw rin namin yung product na plano nilang ibenta, kahit ako nagbebenta ng veggie cupcake di ko titikman yon eh.

Napag-desisyunan namin ni Leila na i-try namin na i-push yung naisip kong idea na online store. Kaya rin online store kasi mahilig ako sa fashion at tsaka onti palang sa buong grade 12 ang naka-isip na gumawa ng business plan about online store. Nagustuhan naman ng teacher namin yung idea ko kaya inaprubahan eto ni ma'am Castro.

Hiraeth For The MoonWhere stories live. Discover now