Hahaha! Kawawa ka naman, Tim! Linagpasan ka lang ni Mishi. Kahit isang lingon man lang wala." Okray na naman sa'kin ni Russell.
"Bobo. Mukhang busy eh, maraming dalang mga gamit." Tukoy ko sa mga papeles na dala ni Mishi. Palaging busy 'yon. Talagang walang makakalapit na lalaki sa kaniya kasi puro pag-aaral ang inaatupag.
Ano ba 'yan. Sayang naman 'tong porma ko kung di niya man lang ako mapapansin.
"Tara, bili na nga lang tayo ng pagkain sa canteen sa first floor." Inis na aya ko kay Russell .
Nang pababa na kami ay meron kaming nakitang dalawang bakla sa may hagdanan na nakatingin sa'kin.
"Kyah, wampipti!" Sigaw ng nakasandal na bakla sa may railing sa may staircase.
Di ko nalang pinansin dahil medyo sanay na rin ako sa mga ganoong catcall. Eh kung ginawa niyang dalawang libo baka sakaling pumayag pa 'ko. Buti pa nga siya napansin ako. Samantalang si Mishi hindi.
Hays.Natapos na rin naming kainin yung binili namin sa canteen. Buti ay maaga kaming nakarating para pumila kaya hindi kami ganoon natagalan. Solid rin ng gravy sa first floor. Gravy pa lang ulam na eh. Isa rin yon sa dahilan kung bakit andaming dumadayo dito na mga estudyante.
"Uy," Gulat na bati ni Micah sa amin nung nakasalubong naming siya pataas sa may hagdanan. "Pumanik na raw kayo doon sa tapat ng 12-ABM C pagkatapos ng break time. Doon meeting place ng lahat ng kasali sa short film."
"Ah, sige. Sunod nalang kami doon mamaya." Sabay tungo ni Russell.
Dumiretso muna kami sa room namin para makipag-gaguhan sa mga kaklase namin bago kami pumunta sa 12-ABM C. Halos magkatabi lang naman ang section namin dahil section E lang naman kami ni Russell.
Nang mapansin namin na medyo marami ng tao ang nagkumpulan sa tapat ng section C ay nakisali na rin kami sa kanila. Onting meeting lang ang naganap at pumunta na kami sa may building ng mga grade 7 students para i-film ang unang scene.
Habang naglalakad kami papunta doon ay napansin ko na kasama pala namin si Jamee. May dala siyang DSLR camera na naka-sabit sa may leeg niya gamit ang strap. Di ko man lang napansin yung presensya niya. She's not the type to stand out in a group of people. Baka reserved lang rin siya katulad ko. Di ko rin kasi trip na makipag bullshit-an sa mga taong di ko ka-close.
Medyo napatagal ang shoot sa unang scene kaya ang daming scenes na hindi na-film sa araw na yon. Including ang akin. Mukhang kailangan ko tuloy labhan at dalhin ulit ang costume ko bukas. Oks lang naman sa'kin. Pag mas matagal ang shooting, mas matagal rin kaming excused sa klase ni Russell. Hehe.
Nakalipas ang ilang araw at medyo naka-usad na rin kami sa shooting. Inabot rin kami ng ilang linggo bago makalap ang lahat na kailangan na clips. Yung ABM C kasi may immersion na kaya medyo natagalan kami. Dahil don nagdesisyon sila Micah na i-edit muna ang mga clips na meron kami para hindi sayang sa oras.
From: Russell Castaloni
Tim, samahan mo 'ko bukas sa bahay nila Jamee mag-edit ng video after dismissal. Kasama ko sila Micah. Nahihiya ako eh.
To: Russell Castaloni
Ha?
From: Russell Castalo
Dali na. Libre kitang lunch bukas pag sinamahan mo 'ko.
To: Russell Castaloni
Hatdog.
Ayoko. Bahala ka dyan magdusa.
Weirdo neto ni Russell. Makapal mukha nun eh. Bakit kaya biglang nahiya? Tsaka na-kaugalian ko na ang dumiretso ng comshop tuwing pagkatapos ng klase, yon ang paraang ko para mag-unwind sa stress sa school at pmailya. And nakakahiya rin kasi dagdag palamunin lang ako doon kung sumama pa 'ko.
YOU ARE READING
Hiraeth For The Moon
RomanceBasahin niyo nalang. Based on a true story 'to. Suggest rin kayong pwede kong i-title. First story ko 'to kaya alagaan niyo. Importante 'to para sa'kin. Lalo na ang mga taong nasa kwento.