Chapter 2

29 1 3
                                    


Ahh, ayon pala ang pangalan niya.

Jamee.

Ang simple naman ng pangalan niya. Halatang di pinag-isipan. Isipin mo siyam na buwan kang dinala ng nanay mo sa sinapupunan niya para lang ipangalan sayo ay 'Jamee'.   

Pinag-masdan ko siyang maigi. She had these eyes na makikita mong tila wala siyang pake sa mundo. She also had a cute,pointed nose and nice lips.   

May pagka-maputi rin siya, ewan ko baka dahil lang maputla lang siyang tignan. Kinulang siguro ng hemoglobin 'tong babaeng 'to. She looked really pale and unhealthy. I guess that also explains kung bakit may pagka-payat siya.
  

She looked average. Definitely not my type.
  

She joined the meeting without saying anything. Di ko nalang siya pinansin from then on. Literal na nakininig lang siya sa meeting.  

Pagkatapos ng meeting ay nagsibalikan na kami lahat sa kaniya-kaniya naming mga room. Yung nakuha kong role ay magnanakaw pero kahit na ganon isa ako sa mga main characters ng short film, kaya okay na rin. Tsaka gusto ko rin magkaroon ng rason para ma-excuse sa klase kaya masaya na ko sa kahit anong makukuha kong role.
 

 

Si Russell naman ang nakuhang role sa short film ay co-director. Ayaw niya raw kasing maiharap sa camera kaya doon siya nag-volunteer. Ang chief director naman ay si Micah, bagong kaibigan ko galing sa ibang section.   

"Tim, balita ko may nude scenes ka raw ah." Sambit neto ni Russell.   

Halatang nang-gagago lang. Masiyado ko na siyang kilala para malaman kung kailan nagbibiro at hindi kaya pinakyu ko nalang siya sa pagmumukha niya.
  

Makalipas ang ilang araw, nag-chat na rin si Micah sa group chat ng ABM Short Film. Di pa naman kasi ganoon ka-urgent ang short film kaya nag-initiate na rin si Mikay para hindi mag-cram.
  

From: Micah Jirah Tejano   

Guys, remind ko lang. Yung mga taong sinabihan ko kanina magdala kayo ng costumes niyo kasi magshu-shoot na tayo kinabukasan. Pumasok rin kayong maaga kinabukasan para maibigay ko sa inyo yung mga excuse letters niyo. Excused kayong lahat buong araw.
 

 

Shet, saya naman non! Buong araw walang klase. Buti tumapat pa ng araw na may klase kaming dalawang oras sa UCSP (Understanding Culture, Society, and Politics) namin. Sobrang nakaka-antok pa naman magturo ng teacher namin sa UCSP.   

Matutuwa na sana ako nang biglang may nag-chat sakin.

 
From: Russell Castaloni   

Tim, nabasa mo na yung chat sa GC ng short film?   

To: Russell Castaloni   

Oo. Buong araw tayong excused pakshet! Hahaha!
  

Panigurado tuwang-tuwa rin 'tong si gago. Madalas kasi 'tong tulog sa klase pag ayaw niya sa nagtuturo. Sa sobrang kapal ng mukha neto nagagawa niyang matulog sa klase kahit nasa pinaka-unang row siya nakaupo! Haha!
  

Pagkagising ko kinabukasan, nagulat nalang ako kasi late na pala ako para sa shooting. Napasarap nanaman ako ng tulog. Dios ko.   

Sanay kasi ang katawan ko na ang gising ay bandang 6 ng umaga. 7 a.m. ang pasok ko pero dahil isa akong huwarang estudyante kahit 7 a.m. na ay nasa bahay parin ako. Pero ngayon kailangan kong magmadali dahil may shooting kami sa short film.   

Hiraeth For The MoonWhere stories live. Discover now