Jamee Margarett: Wow, ang kapal naman ng fes HAHAHA!
Paul Timothy: Pwede mo naman akong i-chat kung miss mo 'ko. 'Di mo ko kailangang paringgan sa Twitter. Be matured.
Isa siya sa mga taong kaya kong biruin at hindi ma-ooffend. Madali niya lang nakukuha yung jokes at sarcasm ko. Kaya ko rin siguro siya nagustuhan dahil doon. Parehas kami ng sense of humor.
Jamee Margarett: Napaka-kapal talaga ng mukha mo, Timoteo! Tsaka hindi yun para sayo 'noh.
Timoteo? Nanay ko lang tumawag sakin non tuwing nagagalit eh. Pero bakit nung siya tumawag sa'kin non ang cute pakinggan?
Paul Timothy: Eh, para kanino yon ha?
Jamee Margarett: Sa kaibigan ko.
Magpapa-lusot ka na nga lang ligwak pa. Buti nalang talaga ginagamit ko ang utak ko kahit minsan.
Paul Timothy: Ngayon lang ako nakarinig ng na-ghost ng kaibigan. At isa pa, ginagamit lang yung term na "ghost" in a romantic context.
Jamee Margarett: Bakit? Bawal bang gamitin ang term na "ghosting" sa mga magkakaibigan? Hahaha
Pinilit pa nga. Hahaha!
Paul Timothy: Pwede naman pero sadyang out of context lang talaga at ang weirdo mo na kung ganon.
Di parin talaga ako naniniwala sa kaniya. Di pa naman ako ganoon ka-engot para lang maniwala kaagad sa kaniya tsaka feeling ko talaga na ako 'yon. Pero kung totoo man yung sinasabi niya, na sa tingin ko malabong mangyari, edi may nagugustuhan na pala siyang iba?
Jamee Margarett: Tsaka ang kapal mo naman para i-assume na ikaw yon? Check mo mukha mo baka may kalyo na. HAHAHA!
Paul Timothy: Kung hindi ako yon, edi may iba pa palang nagkakagusto sayo?
Jamee Margarett: Bakit? May gusto ka ba sa'kin? Hahaha!
Kaya talaga netong makipag-sabayan sa pang-aasar ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba nang diretsahan yung tanong niya. Kahit naman "oo" ang isagot ko sa kaniya iisipin niya lang na nang-aasar ako dahil ayon ang lagi kong ginagawa sa kaniya.
Paul Timothy: 'Di pa ba halata?
Ang harot-harot mo talaga, self. Dumadaloy na 'ata ang pagiging maharot sa dugo ko.
Jamee Margarett: Lahat naman kasi ng sinasabi mo puro biro eh hahaha!
Paul Timothy: Ayun nga yung una kong sinabing seryoso sa'yo eh.
Ang hirap talaga ng buhay kapag marupok ka katulad ko.
May point rin yung sinabi niya. Bihira mo 'kong makaka-usap ng seryoso. Ang boring kasi kung palaging seryoso. Kahit may problema ako ginagawa ko parin yung best ko na makapag-patawa ng ibang tao. Pero minsan 'di ko na talaga kinakaya.
YOU ARE READING
Hiraeth For The Moon
RomanceBasahin niyo nalang. Based on a true story 'to. Suggest rin kayong pwede kong i-title. First story ko 'to kaya alagaan niyo. Importante 'to para sa'kin. Lalo na ang mga taong nasa kwento.