Chapter VII

219 6 4
                                    

*phone beeped*

Syb: mag usap tayo.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Syb. Pero bahala na.

UTMT, under The Mango Tree, ang usual spot namin ni Syb. Matik na yun pag gusto niya ako makausap or kung gusto niya akong gawing punching bag. Ito ang lugar na iyon. Nakaukit parin ang mga mongolicious naming trip ni Syb. Yung mga kasabihan naming kami lang ang natatawa. Tulad ng "Bakit ang sisiw pag kumain nakayuko? Kasi nanay niya may itlog, tatay niya wala". Actually 3 days bago ako natawa sa sinulat niya na iyon. Mantakin mong 3 days bago ko na Digest sa utak ko yung wit nung joke. Pati ang mga hugot na hugot na mga wordings ni Syb ay nakaukit din duon, '' mahal mo? Pakyu ka. Boyfriend ko yan eh. Haliparot na malanding pokpok! ". Isang phrase lang ang naisulat ko dito sa punong ito. "Ikaw lang ang tangang gusto kong mahalin". Sinulat ko iyon habang hinihintay ko siya, nagulat nalang ako ng may masidhing kotong na nagmula sa likod. Huli ako ni Syb na nag vandalize. Alam kong nakita niya ang sinulat ko, pero hindi niya pinahalata, ngunit nakikita kong nanlalaki ng konti ang butas ng ilong niya. Ganun si Syb pag nagpipigil ng kilig.

"Nasus? " nanginginig ang boses ni Syb.

Bahagya akong ngumiti pag lingon ko.

"Gago ka" sambit muli ni Syb habang dahan dahang tumutulo ang luha ni Syb.

Tila nakahahawa ang pag luha ni niya. Ngunit pinipilit ko Paring ngumiti habang bumabagsak na din ang mga luha ko.

"matapos mong iparamdam sakin yung mga bagay na hinahanap ko, matapos mong paabutin ang kasiyahan ko sa mataas na lugar, matapos mong gawing imposible ang pagiging malungkot bigla kang aayaw? " pagsigaw na singhal ni Syb.

"ano to? Aayusin mo ako tapos bibitiwan mo na? Ano ka? King of Restoration At yung boyfriend ko ang customer mo?!" dagdag ni Syb

"Syb, hindi mo naiintindihan. " sagot ko kay Syb matapos niyang i interrupt yung una ko dapat na sagot sa unang set ng mga tanong niya.

" hindi ko nga maintindihan, magtatanong pa ba ako gago? " tugon ni Syb.

Napaka harabas talaga ng bibig ng babaeng ito.

''Your boyfriend realized na mali siya, na kailangan niyang pag tuunan ng pansin ang Syb na nakilala niya. Pinaintindi ko lang naman sa boyfriend mo ang kahalagahan mo, kung ano ba ang mararamdaman niya pag nawala ka na sa piling niya." pagpapaliwanag ko kay Syb.

''So lahat ng pinaramdam mo sakin, Everything was just fake?! " maalumanay ngunit puno ng inis na sabi niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi dahan dahang lumapit sa kaniya sa kabila ng iyon. Tumalikod siya sa akin ngunit hindi nagpatalo ang kaliwang kamay ko, hinaltak ko siya paharap sa akin, hindi ko alam kung bakit pero ito na siguro ang tanging paraan para malaman niya ang sagot, kung hindi ba naging totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I Kissed her.

Alam kong baka mas maging magulo nararamdaman niya para sa bf niya, alam kong baka nagiging magulo na din ang istorya, pero kailangan niyang malaman, na lahat ng pinakita at pinaramdam ko sa kaniya sa mga panahong magkasama kami ay totoo.

She's never been with me when I'm Sad nor when i Felt l awful about something, because when she Comes near, Everything seems to turn arround and go away. Para siyang prinsipal at ang problema ko naman ay tulad ng mga estudyanteng naglalaro ng text o holen sa hall Way ng eskuwelahan, siguradong mag huhulasan pag nandiyan na siya.

But i have to let her go, and the truth was I was never been hers, neither she's been mine.

As I go Along with Life, hindi naging madali sa mga sumunod na araw, Linggo, o buwan ang paglayo ko kay Syb. Tama nga yung kanta sa sakit ng ulo *migraine*, oo nga pala, hindi nga pala tayo, hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasayo, hindi sinasadya, na hanapin pa ang lugar ko, nasan nga ba ako, nandiyan pa ba sa iyo?

The Way of the NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon