Chapter III (User Error)

218 9 0
                                    

                Ngunit sa kabila lahat ng kasiyahan, maituturing kong isa lang biyahe ang pag-ibig, dito na nga yata ako dapat bumaba. Tandaan na ang bawat magagandang istorya ay hindi magiging magnda hangga’t hindi nakararating sa “conflict” stage nito. Essential ang nutrient na ito at siguradong hindi maiiwasan.

                Nang makatapos ako ng high school, kailangan kong pumunta ng Maynila dahil dun lang ako siguradong makapagaaral sa tulong ng aking mga kamaganak.

Hindi sa pag mamayabang ngunit maraming babae ang nakapalibot at nag papahayag ng kanilang pagka gusto sa akin, ngunit binalewala ko ang mga iyon dahil hawak ko ang 7 letter word na binitawan namin sa isa’t-isa, ang “FOREVER”.

                Mga tatlong buwan na akong nasa Maynila at hindi ko pinuputol ang kumonikasyon ko sa kaniya dahil uso pa noon ang Friendster.com, at dahil naman sa social networking site facebook ay nalaman ko ang maraming bagay na hindi ko alam tungkol kay Kaitlyn.

                My bestfriend messaged me on Facebook.

*2 days ko palang nagagawa facebook ko nun*

              sinumbong niya sa akin na may boyfriend daw si Kaitlyn maliban sa akin. Unang beses naming mag away ng bestfriend ko, ultimo ang taong handang mag alay ng buhay para sa akin ay ayaw ko o hindi ko pinaniniwalaan, ngunit ganoon pala talaga ang pakiramdam ng nagmamahal, may mga ugali ka na kahit mismo ang sarili mo ay hindi kilala iyon. Nag bubulagbulagan sa katotohanang nakikita mo na ang ebidensiya. Paniniwala mo lang ang tanging gusto mong paniwalaan, isa lang ang bagay na hinding hindi mo malulusutan, ang masaktan.

                Nagdesisyon ako na tanungin mismo kay Kaitlyn ang totoo, ngunit ang ideya pa lang na gawin iyon ay nabubuwag nito ang depensang hinanda ko sa sakit na maari kong maranasan, marami na akong confirmations sa rumors about Kaitlyn ngunit naduduwag akong tanungin mismo sa kaniya.

                Kaya gumawa ako ng paraan upang malaman ang katotohanan, pinag planuhan ko ng mabuti ito na tulad ng isang bank job, dapat maging perfect crime ang gagawin kong move.

                Sinabi sa akin ng barkada ko ang pangalan ng boyfriend ni Kaitlyn (habang kame pa), at in-add ko sa facebook, dun ko nalaman ang masasakit at masasaklap na mga bagay na alam kong dudurog sakin, ngunit iyon yata ang kailangan ko para huminto na sa kahibangang ang “FOREVER” ay nag eexist. LECHE!

                After that conversation with her “BF!”, I called Kaitlyn to tell her that we should split. Para kasing nagiging sagabal nalang ako bilang isang LDR partner niya, (Long Distance Relationship).

                Bawat ring ng cellphone niya ay parang isang drill na bumabaon sa dibdib ko, pinagsamang sakit at kaba, dahil sa magrerehistro sa utak ko habang buhay ang ring na iyon.

                Nakarinig ako ng beep ng phone sa kabilang linya.. kinakabahan sa maari kong masabi at maari niyang isagot sa mga tanong ko..

                “Hello?” gulat na tanong ni kaitlyn

                “Kumusta?” nanginginig na boses ang lumabas sa labi ko…

                “oh? Bakit parang uiiyak ka?” maalumanay na tanong niya..

                “Ah? Wala naman ah? ” tila na pisil pisil ko ang ilong ko sa lumalabas na tinig.

                “Sabhin mo sakin, may problema ba tayo?”

                “Ikaw ang sumagot ng tanong mo Kate, May problema nga ba tayo? May kailangan ka bang sabihin sakin?”

The Way of the NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon