Chapter 10

34 2 0
                                    

At napasok na naman ako sa isang malking kagaguhan. Yung tipong kayo lang ang may alam, sabi nga sa kanta, "sa pagitan ng paalam at pahiram". Non labeled relationship pero technically meron, ang tawag usually is MU, bes, or buddy. No hassle , no labels, no bullshit.

Kaparehas din to ng pag mamaneho ng sasakyan, nakita mo nang may karatulang may kumunoy ngunit tumuloy ka padin sa pag andar, sinubukan mo baka sakaling makausad. Susubukan dahil kala mo mali sila.

Masaya, sobra , kasi hindi nga naman nakaka pressure. Sa sobrang saya, unti unti ka nilalamon pababa, sinusubukang umahon ngunit hindi mo magawa , dahil mapilit ka, sa kumunoy dapat hindi ka gumalaw upang di ka kainin pababa. Malulunod at mamamatay nalang , at mamatay ng di ko inaasahan, mamamatay ang pakiramdam mo sa kaniya.

Dahil sa napakaraming kabiguan , may nakilala akong halos kaparehas ko ng dinanas at nararanasan , nakakalma ang mga damdamin at isip namin kapag napag uusapan namin ang mga hirap at pasakit na nadanas ng bawat isa sa kani kaniyang relasyong napagdaanan. Ang pag uusap na tila awit na may iisang ritmo na tila gamit sa sarsuela ng hinagpis at hapdi. Nabibigay namin sa isa't isa ang mga bagay na kailangan namin, ngunit alam kong hindi LAHAT, may kakulangan padin ngunit sapat na para pansamantalang maibsan ang mga nararamdamang kakulangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way of the NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon