Chapter VI Here it goes

178 6 0
                                    

Bakit ganito, hindi ko na yata mapigilan, hindi ko gusto pero kailangan kong sabihin sa kaniya, pakiramdam ko pag sinarili ko pa ito, baka sumabog na ako.

I've been hiding this feeling for such a long time, Gusto ko sabihin sa kaniya na sana akin nalang siya, sana ako lang ang dahilan kung bakit nakangiti siya, ako rin sana ang dahilan kung bakit nalulungkot siya,gusto ko ako, gusto ko siya, gusto ko ako at siya, Kame. But things will never go that way. Until a one day, something burst out of my mouth.

The night after the Intramurals, my friends and hers, "Syb", decided to go out for a little bit of fun.

The night is young, so are we, and we're on our drinking age, nung una asiwa akong sumama dahil kala kasama niya yung unggoy na boyfriend niya, buti nalang at may hiwalay na party yung hinayupak niyang boyfriend.

The party was loud but fun. Red, blue, green, and yellow lights beaming all over the place na parang maga langgam na kulay itim na mabilis ang pag takbo pag binubulabog mo, then you'll see the smoke when the ray of light hits it. Everyone was jumping and shouting, partying like there's no tomorrow. 

Habang ako, nasa sulok at nakatitig lang kay Syb na sayang saya sa pag sasayaw kasama ang barkada niya at barkada ko. Feeling ko napaka tahimik ng mundo habang tinititigan ko siya, tila isang love song ang pinakikinggan kong "Turn Down for What - Lil Jon" sa loob ng club.

Shit! teka, Syb, huwag mong gawin sakin yan, huwag kang lumapit, please, huwag, hindi ko na alam gagawin ko, bakit niya ako napapakaba sa mga titig niya! nakakainis, ang daming tao, pero yung titig niya na yun habang sumasayaw, grabe! Hinatak ako ni Syb papunta sa dance floor.

The song changed as if I dictated it to change. As I started to dance with the music, tila biglang parehong kaliwa ang paa ko pansumandali, dahil talagang stunning sumayaw si Syb, pero nakarecover din ako nang bigla akong lapitan ni Syb. 

"This is one of my favorite song" banggit ni Syb ng maalumanay sa tainga ko.

"I know this song, Lights Down Low, Bobby V. right?" ginaya ang ginawa niyang paglapit sa gilid ng mukha.

We were bumping and grinding through the song, I felt the feeling of being so comfortable with her for the first time. 

It's getting really late, at kailangan din naming umuwi, it's 3:00 in the morning, sigurado nagaalala na mga magulang ng mga kaibigan naming hindi nagsipag paalam sa mga magulang nila, That time I told Syb na sabay na kaming umuwi, dahil may sasabihin ako sa kaniya at pakiramdam ko malakas ang loob ko dahil may espiritu na ng alkohol ang katawan ko sa mga oras na iyon.

Malamig na din sa balat simoy ng hangin sa mga oras na iyon, dala ng hamog at nalalapit na din pasko.

Hinugot ko sa aking bag ang paborito kong jacket at tsaka ko ibinalot kay Syb, reserba ko iyon lagi kapag hindi ako nagdadala ng payong, yun ang nagsisilbing pananggalang ko sa ulan.

"Salamat, Buti hindi ka giniginaw?" Bahagyang ngiti ni Syb sa akin.

"Hot naman ako eh, kaya kayang kaya ko pa" Pabirong sambit ko kay Syb.

"Hahahah, Moingoloid! yabang mo talaga eh no?!" sabay suntok sa braso ko.

"Isa lang naman ang hindi ko kayang tiisin eh." Sabay talikod sa kaniya at lakad palayo dahil tila dinadaga ang dibdib kong sabihin.

"Ano ba iyon?" 

"Syb, hindi pa ba halata?"

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Syb.

"Na ano, na... Na gusto kita!" utal na sambit ko

"Mr. Nasus, may boyfriend ako!" 

"Alam ko, pero he keeps on treating you like shit! He does not know his obligations to you Syb, Kailan ka niya huling sinamahan? Kailan ka niya huling pinangiti? kailan ka niya huling binigyan ng kung ano? Kailan siya huling gumawa ng effort para sa'yo?, Syb, I'm here, ako ang magsisilbing sagot sa mga fill in the blanks ng lovelife mo, I know this sounds crazy pero I need to breathe, hindi ako makahinga sa tuwing kaharap kita pero hindi ko masabi ang tunay na nararamdaman ko." pagtatapat ko kay Syb 

The Way of the NinjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon