I wish I could let you feel my pain just for one moment, not to hurt you but so you can finally understand how much you hurt me.
---------------------------------------------------------
Siguro nga totoo ang sinasabi nila na ang pinakamahirap gamutin ay ang sakit sa puso. Sakit na idinulot ng taong pinag alayan ko ng aking pagmamahal. Lahat binigay ko sa kanya ngunit sakit lang ang isinukli nya.
Bata palang ako nangarap na akong magkaroon ng taong magmamahal sa akin bukod sa aking pamilya. Pagmamahal na halintulad sa pagmamahal ng aking ama sa aking ina. Isang pagmamahal na naging dahilan kung bakit ako andito ngayon.
Dalawang magkapatid kami at ako ang bunso. Hindi naman ako spoiled , eh talagang love lang ako ng lahat kaya binibigay nila lahat halos ng gusto ko. But I don't want to abuse their love for me. Though I always ask from them kasi It's my way of paglalambing. But I know my limits.
Mabait ang angkan namin na kahit na sinasabi sa akin ng ibang tao na napaka swerte namin dahil maganda ang estado sa buhay pero ni minsan hindi ko nakitaan ng pagyayabang or pangmamaliit ang kahit sino sa aming angkan.
Pinalaki kami na mabuting tao, mapagmahal, meron takot sa Dyos at meron paninindigan sa salita na binitawan. Hindi kami naniniwala na promises are made to be broken dahil kapag nangako ka, dapat tuparin mo yun.
I was young when i discovered my true self. I am different or would I say we are different. We are unique in our own way. Sa aming magpipinsan apat kami na naiiba ang kinalakihang hilig. We are unique in our own way as what our parents would utter.
Ngunit para sa ibang tao kami ay abnormal at dapat ikahiya. Na hindi magiging magandang halimbawa. Masakit isipin kung bakit kelangan ka husgahan just because of your choices and preferences.
Sa tuwing naiisip ko kung paano kami ipagtanggol ng aming pamilya laban sa mga taong mapanghusga, masasabi ko na mapalad kami at nauunawaan nila kami at buong pusong tinanggap ang aming pagkatao. I thank the Lord for bringing me into this family, not because of wealth but because of their acceptance, their love for me no matter what.
Isang malamig na hangin ang tumama sa aking mukha, muli akong bumalik sa realidad. Kung gaano ako kasaya sa pagmamahal ng aking pamilya, ganun naman kadurog ang puso ko. Hindi ko pa rin lubos maisip kung ano at bakit ako sinaktan ng taong pinag alayan ko nito.
Andito ako ngayon sa Isla malayo sa kabihasnan. Isa sa mga pag aari ng pamilya namin. Ito ang regalo ng akin Papu ( granddad) sa aking Yiayia (Grandmom). Gusto ko mapag isa at mag isip kung paano ako magsisimula na wala na sya sa buhay ko. Kelangan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't-isa.
Ilang araw na ang nakakaraan ng mahuli ko si Jayme na kasama ang lalaking iyon sa kanyang kwarto. Sariwa pa sa aking alala ang katagang binitawan nya.
R hindi kita mahal. Hindi ko pala kayang magmahal ng isang tomboy. Kinailangan ko lang ng masasandalan nung mga panahong lubog ako sa utang kaya kita tinanggap sa buhay ko. Maayos na ang buhay ko ngayon, salamat sa iyo at sa tingin ko nabayaran ko din naman iyon dahil naging masaya ka naman sa piling ko. Matagal na kaming nagmamahalan ni Kevin.
Kelan pa Jayme? Kelan mo pa ako niloloko?
Hindi kita niloko R. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pagmamahal mo, hindi ko naman hiningi iyon diba? Ayoko naman talaga ng tomboy, napilitan lang ako dahil sa finances ko. Pumayag naman si Kevin upang makapagsimula kami ng maayos na buhay.
Jayme bakit? Ano ba ang kasalanan ko upang gawin mo sa akin to? Wala akong ginawa kundi mahalin ka.
Isang masakit na alaala ng huling pag uusap namin. Hindi ko maisip kung bakit kelangan mo gumamit ng tao upang gumanda ang buhay mo. Minahal ko sya ng buong buo. Hindi man legal ang kasal dito sa Pilipinas pero handa akong pakasalan sya pagdating ng panahon.
Napukaw ang aking pag-iisip sa ring ng phone ko. Oo nga pala hindi ko nasabi sa bestfriend ko kng nasaan ako. Basta na lamang ako umalis ng Manila.
Yes babe? Napatawag ka? Miss mo ako ano? Miss din naman kita at love kita kaya wag ka na magsungit dyan. Pilit ko pinapasigla ang aking boses ngunit kilalang kilala ako ng kaibigan ko. Isa sya sa takbuhan ko sa tuwing nasasaktan ako. Pangatlo si Jayme na inalayan ko ng puso ko. Ngunit pera ko lang pala ang minahal nila.
Babe??? Are you still there? Hey R? - G
Hmmp. Sorry babe my mind was drifted by the air. Sabay tawa . -R - Ayoko na sana maging malungkot pero hindi ko mapigil ang agos ng luha ko.
Babe? Where are you? Please tell me where are you? -G-
Yes babe ang tawagan namin but we are not in a relationship and hey don't think that we're *uck buddies.. Nope we just want to have an endearment. Yes we kiss on the lips (smack) to greet each other because that's what we've been used to since we were kids. And I do that also to my cousins.
-G- Hey babe? Kanina ka pa nag spaced out? Is there something that bothers you? Please tell me babe? I'm worried. You know that I am always here for you.
-R- Babe I'm good. I'll ring you later please. I love you. Bye.. Sabay pindot ng end call.
Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng sakit na idinulot sa akin ni Jayme. Tinatanong ako ng buong pamilya ko ngunit hindi pa kaya ng puso ko na ikwento sa kanila. Ang sakit.. Sobrang sakit. Hindi ko alam paano magsimula. Hindi ko alam kung paano ko bubuoin ang aking durog na puso, pati pagkatao ko dinurog nya. Tomboy lang ang tingin nya sa akin. Ganito man ako pero tao ako. Patuloy lang ang pag agos ng aking luha. Gaano ko man pigilan ngunit wala atang balak tumigil ito. Hanggang kelan ako masasaktan.
Walang kasiguraduhan umibig.
-------------------------------------------------------------
Kambal ng pagmamahal ay ang sakit na maaring maidulot nito. Sabi nga nila, ma swerte ang isang LGBT na makahanap ng tunay na pagmamahal. Kadalasan ay ginagamit lang sila ng mga taong mapagsamantala. Sinasamantala ang kanilang kabaitan at ang busilak na pagmamahal.
Nakita ko sa isang kaibigan ko kung paano sya nagmahal, binigay ang lahat ngunit hindi iyon sapat upang manatili ang taong mahal nya sa piling nya.
Sana magustuhan niyo ang kwento Ni R. Isang LGBT na minsan na mangarap na magkaroon ng taong magmamahal sa kanya.
Mananatili na lang bang pangarap ito? O magkakaroon sya ng isang tunay na pag -ibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/144225848-288-k591734.jpg)
BINABASA MO ANG
Find the one without looking for it?
Ficção GeralLOVE! Ano ba ang totong pag -ibig? Pano ba ang magmahal? Kanino ko iaaalay ang puso ko? Mga tanong na hindi ko alam ang kasagutan. Lagi naman akong nasasaktan. ----- Disclaimer: Anything that is in my story is a work of fiction and is just part o...