𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 2
Pag mag kaibigan kayo bawal ka mag reklamo lalo na sa gagawin ng kaibigan mo, why? kaibigan kalang kase at hanggang dun kalang.
Hindi mo siya pwedeng pag bawalan na sumama sa iba kase walang kayo.
Bawal mo siyang pigilan na makipag sex sa iba kasi hindi naman kayo.
At higit sa lahat bawal ka mag reklamo na bakit hindi ka niya mahal kasi wala namang kayo.
Lemme tell you a story.
Isang araw may babaeng nainlove sa bestfriend niya pero hanggang bestfriend lang siya, The end.
Ang funny deba? ang funny na nainlove ako sa Gago kong bestfriend.
Nainlove ako sa taong malabong mainlove din sakin.
----------------------
Nandito ako ngayon sa Mall at nag iikot ikot wala akong planong gumastos ngayon hirap kaya kumita ng pera lol.
Nasa gitna ako ng pag window shopping ng makita ko si Mytt na may kasamang babaeng linta (todo kasi maka kapit sa braso ni Mytt tsk) napatigil si Mytt ng makita ako.
"Lirzine!" agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"Hey! Nandito karin pala?" humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at inakbayan ako.
Nagsimula siyang maglakad kaya sumumod ako.
Narinig ko yung babae na tawag ng tawag kay Mytt pero ni isang lingon walang ginawa si Mytt kaya ako nalang ang lumingon, binelatan ko yung babae kaya nagpapadyak ito sa inis. Buti nga sakanya psh lintang babae HAHAHAHAHAHAH.
"Sino ba yun Mytt mytt?" naiirita kong tanong, bakit ba girlfriend niya kaya ako pero ako lang nakaka alam.
"Ah? Lax? Max? I don't know who cares anyway" napangiti naman ako ng hindi niya maalala mahirap na no.
"Ano ba kasing ginagawa niyo dun" okay okay hindi ko maiwasang umastang girlfriend bakit ba.
Huminto siya at tumingin saakin, hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya kase para akong nilalamon lol.
"Are you jealous?" nanlaki mata ko.
"Me? Psh Ofcourse not!" tsk liar Lir.
"Good ayokong pinag seselosan mo sila okay? Mas better ka sakanila" niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Fuck you Mytt! Don't do this to me lalo akong nalulunod at baka pag nangyari yun hindi na ako maka ahon.
Nang mapagod kami sa kakalakad napag isipan nameng kumain sa isang Fast food.
Pag pasok na pag pasok namen agad kaming pinag tinginan. Hello? Ngayon lang ba sila nakakita ng Gwapo at Maganda?! dzuh.
Umupo ako sa pinaka gitna habang si Mytt ang nag order dzuh I love attention kaya! kaya dapat sa gitna ako pumwesto hoho.
Dumating na si Mytt habang may kasunod na dalawang crew halos mapanganga ako ng makitang ang dami niyang inorder.
Umupo siya sa harapan ko at tinignan ko siya na nagtataka.
"Hoy Mytt Mytt! May kasama ba tayo ha?!" tanong ko.
"Wala" nagsimula na siyang kumain habang ako nakatingin parin.
"Oh wala naman pala! Bakit andami neto?!" sabay turo ko sa mga pagkain.
"Psh gutom ako at alam kong gutom ka wag kanang madaldal kumain ka nalang" di na niya ako pinansin kaya nagsimula nakong kumain.
Grrrr! Mytt Mytt!! Sira na ang diet ko nyeta ka! I hate youuuu!! Psh.