𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚
𝗟𝗜𝗥𝗭𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗢𝗩
Isang buwan na ang nakalipas nandito ako ngayon sa condo ni Ravenry kasama sila Sera at Min.
Masyado na kaming na stress lalo na si Min dahil namimiss niya na daw yung manliligaw niya ewan ko ba dito pakipot masyado.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya ng naramdaman kong nasusuka ako.
Agad naman akong napatakbo sa cr.
"Hey Lir, are you okay?" tanong ni Sera na nakasunod na pala.
"Gosh nag susuka ka?" tanong ni Ravenry.
"Ay hindi hindi obvious naman deba" sabat naman ni Min.
"Psh" sabay na sabi ni Sera at Ravenry.
Nang maisuka ko na lahat ay pinunasan ko na ang bibig ko at nag mumog.
"Omg girl! Baka buntis ka?" gulat na tanong ni Ravenry.
"Wait Lir, may pt ako jan" agad namang tumakbo si Sera at ng makuha iniabot saakin.
Tinulak ako ni Min papasok ulit sa banyo pag pasok ko ay isinara ko ang pinto.
Huminga ako ng malalim, what if positive? Si Mytt lang naman ang huli kong nakasama.
Sinimulan ko ng mag pt ng matapos ako ay kahit kinakabahan tinignan ko ang resulta.
Nang makita kong dalawa ang guhit para akong mahihimatay sa resulta.
P-positive!
---------------------------------
Lumipas ang buwan at taon akala ko hindi ko na siya malilimutan pero nagkamali ako dahil sa bawat araw na lumipas ang pagmamahal ko sakanya ay naglaho.
Mahirap pero kinaya ko para sa anak namin.
Naging malaking blessings saken sila Kyrith at Ferreya yes! Kambal sila.
Wala akong naging balita kay Mytt pero kahit na ganun ay itinuloy ko ang buhay ko kasama ang mga anak naming kambal.
"Mommy look" tinuro ni Reya si Kyrith na ngayon ay iwinawagayway ang undies ni Reya.
"Oh my! Reya ibaba mo yan hindi tama yan" suway ko pero imbis na ibaba isinuot pa niya ito sa ulo niya at tumakbo palabas.
Napa hinga nalang ako ng malalim atsaka tumawa.
"What's funny mommy?" tanong ni Kyrith.
"N-nothing baby" pinigilan ko ng tumawa dahil baka ano pang isipin ng anak ko.
Kinuha ko ang damit niya at binihisan siya ng mag ring ang cellphone ko.
Agad ko namang kinuha ito at tinignan kung sino ang tumatawag hmm Unknows number pero sinagot ko ito.
"Hello? Who's this?" halos tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang boses niya.
"M-mytt?" naginginig ang kamay ko aaminin ko namiss ko boses niya at namiss ko siya.
"C-can we talk?" sabi niya kahit na gusto ko ay hindi na pwede.
"No" pagmamatigas ko.
"Please?" napahinga ako ng malalim.
"Fine! Sa park 3pm" hindi ko na siya hinintay na sumagot at inend ko na ang call.
Nag ready nako naligo at nagbihis.
"Mommy where are we going?" tanong ni Kyrith.
"Were going to the Park okay? Kasama natin si ate Reya mo" tumango naman siya.
Umalis na kaming tatlo busy sa pag kukwentuhan sila Kyrith at Reya habang ako ay pakiramdam ko maiihi nako sa kaba.
Pag dating sa park ay agad kong nakita si Mytt na nakaupo sa swing.
Agad siyang napatayo ng makita ako.
Aaminin ko gwapo parin siya hanggang ngayon pero pumayat siya.
Sobrang itim at lalim ng mga mata niya.
"Lirzine!" agad siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako.
"I-i can't breathe" agad naman siyang napahiwalay sa yakap.
Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko kita ko sa mga mata niya ang namumuong luha.
"I'm s-sorry Lirzine" agad ng tumulo ang mga luha niya.
"Sorry kung naduwag ako sorry kung hindi ko nasabi sayo ang lahat" napa kunot ang noo ko dahil sa pagka lito.
"M-mahal kita Lirzine" naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko naramdaman ko rin ang mga luha sa mga mata ko.
"M-mahal mo rin ako?" tumingin siya sa mga mata ko.
"Mommy w-why are y-you c-crying?" napatingin ako kay Kyrith na umiiyak narin at nakatingala saakin.
"Bad ka! Bad ka!" nakita ko naman si Reya na sinusuntok si Mytt sa binti.
Kita ko ang pagka gulat at pagka gulo sa mukha ni Mytt.
"A-anak mo?" di makapaniwala niyang tanong tumango lang ako at ngumiti.
Wala akong balak na sabihin sakanya na anak niya ang kaharap niya ngayon ayokong masaktan sila pag iniwan ulit kami tama na ako lang, ako lang ang masaktan niya ng paulit ulit.
"M-may asawa kana?" muli niyang tanong napailing ako bago sumagot.
"Wala Iniwan niya kasi kami eh" napatawa ako ng mapakla.
"Sapat na sakin ang mga anak ko ngayon Mytt mahal parin kita oo pero sapat na sakin na minahal kita noon pero hindi na sa pagkakataong ito Mytt" sabi ko sakanya.
Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi tumagal ito ng ilang seconds bago lumayo.
"M-mitch" sambit niya.
"Salamat at bumalik ka Mytt" hinawakan ko ang pisngi niya atsaka muling nagsalita.
"Pero okay nako natanggap ko ng hindi ka para sakin natanggap ko ng umalis ka natanggap ko ng hindi moko minahal bumalik kana kay Zeyn mas kelangan ka niya" yumuko ako at kinarga si Kyrith at kinuha si Reya bago tumalikod at maglakad palayo.
Minsan kelangan mong sumuko pag hindi mo na kaya.
Minsan kelangan mong bumitaw pag masyado ng mabigat.
At minsan kailangan mong tumalikod para hindi makita ang sakit sa mga mata niya.
Hanggang dito nalang kami.
Hanggang dito nalang.
Bestfriends to strangers.
𝗧𝗛𝗘 𝗘𝗡𝗗