𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 7
Agad na dinampot ng mga pulis sila Khalid.
Nakita kong nag uusap sila Seraphina at Min habang si Ravenry naman ay pinapa kalma sa di kalayuan ay may kausap si Kai sa phone.
"Lirzine can we talk?" napalingon naman ako kay Mytt at tumango.
Pumunta kami sa medyo malayo pero sapat naman na para matanaw kami nila Sera.
"I'm sorry" napayuko ako dahil sa sinabi niya.
Sorry? Para saan?
Sorry kasi may ibang babae sa unit niya nung dumating ako?
Sorry kasi napag mukha niya akong tanga?
Sorry kasi di niya ako kayang mahalin pabalik?
"I'm sorry Lirzine kasi alam kong nasaktan kita" napatawa ako ng may iba para pigilan ang nagbabadyang na luha sa mga mata ko.
"Ano kaba bestfriends tayo no hard feelings" tinapik ko siya sa balikat at tumawa ng malakas para effective.
Nakahinga naman siya ng maluwag atsaka napahawak sa noo niya.
"Paranoid lang pala ako, akala ko kasi Lir nagalit ka sakin HAHAHAHAH" sasagot na sana ako ng mag ring ang cellphone niya.
Agad niya itong kinuha at napa tingin ng ilang seconds sa screen niya bago niya ito sinagot.
"Hello?"
"Yes yes I'm sorry Zeyn kasama ko kasi si Lirzine yup yah something came up" muli ko nanamang narinig ang pagkabasag ng puso ko hindi pa nga ganun kaayus nasira nanaman HAHA.
"Okay see you later bye I love you too" tumingin siya saakin at ngumiti lang ako tsaka tumango.
Bigla niya akong niyakap dahilan para mas mabasag puso ko.
"Thank you, you're the best Lirzine I'll call you later bye." humiwalay siya sa pagkakayakap at nagsimula ng maglakad papalayo.
Sa bawat hakbang niya paalis ay wala na akong marinig.
Sa bawat hakbang niya paalis ay wala na akong makita kundi siya.
Sa bawat hakbang niya paalis ay wala na akong maramdaman kundi puro sakit.
Sakit na dulot niya.
Nagsimula ng tumulo mga luha ko hinahayaan ko lang ito.