part 12

9.8K 48 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 12

𝗠𝗬𝗧𝗧 𝗣𝗢𝗩

Gusto kong balikan siya.

Gusto kong punasan mga luha niya.

Gusto kong patahanin at yakapin siya.

Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nakita kong nakatayo siya at nakasandal sa sasakyan niya lumapit siya saakin at niyakap ako.

"Okay na? Masaya kana?" malamig kong tugon napa tango naman siya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin atsaka niya ako hinalikan.

"Kalimutan mo na siya Mytt at wag kanang magpakita sakanya kundi magpapa kamatay kami ng baby mo" napatingin ako kay Zeyn atsaka siya niyakap.

"Promise alang alang sayo at sa magiging anak natin" sumakay na kami sa sasakyan at nagmaneho papunta sa bahay na binili ko lang last week.

Umalis nako sa condo dahil ayaw na ni Zeyn dun at dahil alam din ni Lirzine papunta dun.

Kelan ko lang nalaman na buntis si Zeyn nung una ayaw ko maniwala pero tinakot niya ako na magpapa kamatay siya.

Ayoko ng may buhay na masasayang dahil sakin kaya kahit di sigurado ay tinanggap ko ang anak niya.

Nagpalit narin ako ng sim card nung una ayoko pero umiyak siya kaya pumayag nalang ako para mapatahan siya.

Binura niya lahat ng picture namen ni Lirzine kahit sa social media account ko binlock niya si Lirzine.

Kung minsan ay gusto kong puntahan si Lirzine pero wala akong magawa dahil laging nakabuntot sakin si Zeyn.

Pakiramdam ko tuloy ay under ako wala akong magawa kundi sumunod dahil kapag sumuway ako pinagbabantaan niya ako na magpapa kamatay siya.

Hindi ko nasabi kay Lirzine na mahal ko rin siya.

Hindi ko naiparamdam na mahal ko rin siya.

Puro sakit lang ang pinaramdam ko sakanya.

Nung araw na iniwan ko siya dun din nagtapos ang lahat ng meron samin.

Lahat pati ang buhay ko.

Dahil si Lirzine ang buhay ko.

FRIEND WITH BENEFITS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon